Wednesday, December 20, 2017

WALANG AKSIYON KONTRA DENGVAXIA PLAYERS!

Image result for images of noynoy aquino with janette garin
21 Dec. 2017

Pansinin ninyo, mga kababayan: Maliban sa pagtanggal ng produkto sa market o merkado, WALANG ANUMANG AKSIYON HANGGANG NGAYON kontra sa SINUMANG MAY KINALAMAN sa Dengvaxia controversy. Itama ako ninuman kung mali ako.

WALA pang nababalitang pinatawag na o hningan na ng written o pormal na paliwanag ng anumang ahensiya ng gobyerno ang sinuman kina dating Pangulo Noynoy Aquino, dating Budget Sec. Butch Abad, datinh Health Sec. Janette Garin, mga oipisyal ng Sanofi Pasteur na siyang gumawa ng Dengvaxia.

WALA ring nababalitang hiningi o sinubpoena na ang mga PAPELES ng naging transaksiyon sa Dengvaxia mula sa Department of Health (DOH) o sa Sanofi.  WALA pa ring nababalita na sinuman na iniimbestigahan na sa DOH, o anumang imbestigasyon na isinasagwa na kung meron man, at sa Department of Budget and Management (DBM).  

Lahat ng ito, kahit na humigit-kumulang na 830,000 bata ang nabakanuhan ng Dengvaxia at DUMARAMI na ang nagsasabng NAMATAY O NA-DENGUE NG MATINDI ang kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia.

At ang matindi pa, mga kababayan, BIGLANG NAWALA NA sa national media ang Dengvaxia. Ganito kalaking isyu, NAWALA NANG PARANG BULA. WALANG FOLLOW-UP. Dati akong senior editor sa isang nationally-circulated tabloid. Ang storyang tulad ng sa Dengvaxia, kung ISANG LINGGO LAMANG ARAW-ARAW kaming may bagong storya.

Baka BIGLANG MAGHIMALA, mga kababayan! 30



1 comment:

  1. Sinampahan na sila ng kaso. Hintay lang tayo ng development kasi alam mo nmn ang due process medyo may kabagalan dito sa bayan ni Juan.

    ReplyDelete