21 Dec. 2017
Pansinin ninyo, mga kababayan: Maliban sa pagtanggal
ng produkto sa market o merkado, WALANG ANUMANG AKSIYON HANGGANG NGAYON kontra
sa SINUMANG MAY KINALAMAN sa Dengvaxia controversy. Itama ako ninuman kung mali
ako.
WALA pang nababalitang pinatawag na o hningan
na ng written o pormal na paliwanag ng anumang ahensiya ng gobyerno ang sinuman
kina dating Pangulo Noynoy Aquino, dating Budget Sec. Butch Abad, datinh Health
Sec. Janette Garin, mga oipisyal ng Sanofi Pasteur na siyang gumawa ng
Dengvaxia.
WALA ring nababalitang hiningi o sinubpoena
na ang mga PAPELES ng naging transaksiyon sa Dengvaxia mula sa Department of
Health (DOH) o sa Sanofi. WALA pa ring
nababalita na sinuman na iniimbestigahan na sa DOH, o anumang imbestigasyon na
isinasagwa na kung meron man, at sa Department of Budget and Management (DBM).
Lahat ng ito, kahit na humigit-kumulang na
830,000 bata ang nabakanuhan ng Dengvaxia at DUMARAMI na ang nagsasabng NAMATAY
O NA-DENGUE NG MATINDI ang kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia.
At ang matindi pa, mga kababayan, BIGLANG
NAWALA NA sa national media ang Dengvaxia. Ganito kalaking isyu, NAWALA NANG
PARANG BULA. WALANG FOLLOW-UP. Dati akong senior editor sa isang nationally-circulated
tabloid. Ang storyang tulad ng sa Dengvaxia, kung ISANG LINGGO LAMANG ARAW-ARAW
kaming may bagong storya.
Baka BIGLANG MAGHIMALA, mga kababayan! 30
Sinampahan na sila ng kaso. Hintay lang tayo ng development kasi alam mo nmn ang due process medyo may kabagalan dito sa bayan ni Juan.
ReplyDelete