20 Dec. 2017
Sa halip na
ITAMA AT MAG-SORRY AY PINANINDIGAN pa ng kampo ni Leni Robredo ang kapal ng mukha
nilang magkaroon ng LIBRENG KOPYA ng mga resulta ng decryption ng mga SD cards
mula sa tatlong probinsiyang uunahin sa recount ng mga boto nila ni Bongbong
Marcos kaugnay ng protesta nito laban sa kniya.
Reacting to
the motion for reconsideration filed by Bongbong against the Presidential
Electoral Tribunal (PET) ruling giving Leni the FREE COPIES, Leni’s lead lawyer
Romulo Macalintal said: "Like in any other case, both camps are given
copies of all documents. This is the standard practice in the spirit of
transparency and fairness,” This is the link to the story: ttp://www.gmanetwork.com/news/news/nation/637147/bongbong-marcos-pet-committed-grave-error-in-allowing-robredo-to-secure-copies-of-ballot-images/story/?just_in.
Itama ako ninuman kung mali ako, dahil hindi
ako abugado: HINDI OBLIGADO ang sinumang
pulitiko na bigyan ng libreng kopya ng anumang papeles o ebidensiya ang
kaniyang kalaban sa kaso KUNG SARILING GASTOS, AT PAGKILOS, NIYA ANG
PAGKAKAROON NITO. May kinonsulta akong dating congressman na dalawang beses
nanalo at sinabi niyang tama ako. HUWAG NATING KALIMUTAN, mga kababayan, WALANG
BINIGAY KAHIT PISO si Leni para sa decryption. At SI BONGBONG LAMANG ang
humiling nito. SUMAKAY LAMANG NG LIBRE si Leni.
Makakakuha lamang ng libreng kopya o katulad
na ebidensiya kjung ito ay walang bayad na maaaring hillingin mula sa
kinauukulang tanggapan ng gobyerno. O kaya ay pera ng gobyerno o ibang opisina
ang gumastos.
Kung walang panggastos si Leni ay HINDI NA
PROBLEMA NI BONGBONG IYON. Sagarang
kapall na ng mukha ang magpalibre ang sinuman sa kaniyang kalaban sa kaso. Bakit
siya kailangang gastusan ni Bongbong sa anuman? Higit sa lahat ay isipin ninyo ito, mga
kababayan: Mismong ang PET ay WALANG BINIGAY NA DAHILAN O BASEHAN kung bakit
nila PINALIBRE si Leni. Sumagot na ang gustong sumagot. 30
No comments:
Post a Comment