LECCIONES |
11 Dec. 21017
May biglang lumitaw na P500-MILYONG ‘MISTERYO’
sa lumalalaki at kwestiyonableng pagbili ng Dengvaxia vaccine ng Department of
Health (DOH) noong si Noynoy Aquino ang pangulo.
In a gmanews.tv story (http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/636008/pcmc-s-lecciones-says-doh-ordered-procurement-of-dengvaxia/story/?top_picks&order=2)
Philippine Children's Medical Center
(PCMC) Executive Director Julius Lecciones said: "Inilagay sa akin, itinransfer ang P3 BILLION
LANG (emphasis mine) actually na
ibinayad diyan na tinanggap ko at ibinigay sa Zuellig [Pharmaceutical] na
siya pong suupplier, distributor."
Pansinin ninyo, mga kababayan, mula nang
mabulgar ang transaksiyon at ang mga
kaduda-dudang detalye nito, P3.5 BILYON angi inihayag na halaga ng mga biniling
Dengvaxia vaccines. Maging si dating Health Sec. Janette Garin ay ito ang
sinabing halaga.
Kaya SAAN NAPUNTA yung P.5 bilyon, o P500
milyon?
Humigit-kumulang nang isang linggo na
sinusundan ng national media ang Dengvaxia transaction. SOBRA-SOBRANG panahon
ito para ITAMA NI GARIN o ng sinuman na P3 bilyon lamang at hindi P3.5 bilyon
ang nagastos ng gobyernong Aquino sa Dengvaxia vaccines. Pero WALANG GUMAWA
NITO, maliban kay Lecciones.
Kung WALANG KAWALANGHIYAANG NANGYARI, dapat
ilabas agad ng LAHAT ng kasama sa transaisiyon ang LAHAT NG MGA PAPELES. Ang
HINDI MAKAPAGLABAS NG PAPELES, o anumang ebidensiya na wala siyang ginawang illegal,
IDEMANDA AGAD AT IKULONG.
Tandaan ninyo, mga kababayan, PERA NATIN ANG
P500 MILYONG IYON. 30
No comments:
Post a Comment