Saturday, December 16, 2017

DESPERADO NA TALAGA MGA ANTI-DUTERTE!

GRAND AFFAIR. Presidential granddaughter Isabelle Duterte poses for a pre-debut photo shoot inside MalacaƱang. Photo from Jeff Galang Instagram account




17 Dec. 2017

Aminin man nila o hindi, DESPERADO NA TALAGA mga anti-Duterte. Ultimo photo shoot ng apo ni Pangulong Digongna mayroong presidential seal sa background para sa kaniyang debut tintira na at pilit pinalalaki.

Una: WALA naman silang masabi o maipakitang LABAG SA BATAS yung ginawa ng bata. Pangalawa: WALA rin silang masabi o maipakitang PERHWISYO o pinsala sa gobyerno o sa bansa ang photo shoot. Pangatlo: WALA silang maipakitang ebidensiya na ginamit o gagamitin nung bata ang photos sa ilegal o immoral na gawain. Pang-apat: WALA rin silang maipakitang pruweba na ginamit o gagamitin nung bata ang photos sa pansariling pakinabhang tulad ng negosyo.

Kaya kung iisipin mabuti ninuman, WALANG MATINONG DAHILAN ang mga kontra kay Digong para IDAMNAY ANG BATA AT PASAMAIN sa mata ng sambayanan ang ginawa nito. Kahit na WALANG LEGAL O MORAL NA BASEHAN. Malinaw pa sa sikat ng araw na dinamay na pati apo ni Digong para lamang may masabi silang masama laban dito.

Dahil LAHAT NG PANININRANG GINAWA NA NILA laban kay Pangulong Duterte ay HINDI PINANIWALAAN O KINAGAT NG TAO --- hidden wealth, Davao Death Squad, extra-judicial killings (EJK) kuno (husgado lamang ang may kapangyarihang magsabi kung EJK nga ang isang pagpatay o hindi, at WALA NG IBA) at kung anu-ano pa.


Ganitong klaseng tao ang mga gustong maalis si Pangulong Duterte sa puwesto, mga kababayan. Kaya ito ang TANDAANNATING LAHAT: Kung ngayon pa lamang ay ganito na KARUMI, KAWALANG-KONSIYENSIYAang mga ito, ANO PA ANG MASISIKMURANG GAWIN ng mga ito kung sila ang papalit sa gobyerno? 30

No comments:

Post a Comment