26 Dec. 2017
MALINAW na, kitang-kita na ang KAWALAN NG
KONSIYENSIYA ng mga masigasig na kritiko ni Pangulong Digong Duterte at ng
kaniyang gobyerno.
Mahigit 200 na ang kumpirmadong patay mula sa
bagyong si ‘Vinta.” Kumpirmado na ring 37
ang namatay sa sunog sa NCCC mall sa Davao City. Pero si Soc Villegas at ang
mga kapuwa niya paring taga-banat kay Digong, WALA kahit isang misa para sa mga
namatay at mga namatayan. Ni walang nababalitana pahayag o statement ng
pakikiramay. Itama ako ninuman kung mali ako. Mabut pa si Pope Francis na nasa
malayo, pinagdasal na ang mtga biktima ni ‘Vinta.’
Pero para sa mga namatay na sa anti-drug war
ng gobyerno, nakapag-pamisa na sila. Kung hindi ako nagkakamali ay dalawa o
tatlong beses na yata.
WALA ring pahayag ng pakikiramay sina Leila
de Lima, Antonio Trillanes at Leni Robredo. Sina De Lim at Trillanes, MABILIS PA SA KIDLAT
kung banatan si Digong sa ibang bagay. May kasama pang hirit agad para
imbestigahan ng Senado. Pero sa trahedya sa NCCC mall at sa pinsala at mga pagkamatay
na dulot ni ‘Vinta,’ WALA as in DEDMA o patay-malisya. Si Leni, parang WL;AANG NAKITA, WALANG NARINIG!
Isama na rin natin ang mga kaalyado o
kapartido sa pulitika ng mga binanggit ko. May nabalitaan na ba kayong nagpahayag man
lamang ng pakikiramay? Ako, WALA. Itama ako ninuman kung mali ako. Nasasa inyo
na kung maniniwala pa rin kayo sa anumang sasabihin ng mga ito. 30
No comments:
Post a Comment