Thursday, December 21, 2017

ANG TANGA PALA NI SILENTNOMOREPH!

Image result for images of bongbong marcos




22 Dec. 2017

Talaga palang SAKSAKAN NG TANGA itong si Silent No MorePH!

Nagpost siya ng ganito: “Desperado na talaga si Bongbong Marcos na nakawin ang pagka-bise presidente mula kay Leni Robredo.” Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) LAMANG ANG MAY KAPANGYARIHAN PARA MAGDESISYON KUNG SINO kina Bongbong at Leni Robredo ang TUNAY NA NANALO bilang bise-presidente noong 2016 elections. Ang PET LAMANG ANG MASUSUNOD! HINDI si Bongbong o kung sinuman sa kampo niya. Alam ng BUONG SAMBAYANANG PILIPINO iyan. Kaya PAANO mananakaw ni Bongbong ang vice-presidency? LOLOKOHIN na rin lang ang taumbayan, KABOBOHAN PA ang ginawa.

Sabi pa ni SilentNoMorePH: “Mula sa pagbabayad ng mga trolls para magmukhang sinusuportahan ang kanyang electoral protest ng taumbayan “…hanggang sa pamemeke ng mga testigo ng di umano'y nakakita ng pandaraya noong nakaraang eleksyon.”  

Wala akong eksaktong bilang pero ang mga grupo sa FB na sumusuporta kay Bongbonmg ay sigurado akong HINDI BABABA sa 50! Ako lamang ay miyembro ng mahigit 20 grupo. At ang mga administyrator ng mga grupong ito ay tunay na larawan at pangalan, kumnpletong pangalan, ang nilagay mula’t sapul. Sa mga nagkokomento naman, BIHIRANG BIHIRA yung hindi tunay at malinaw na larawan ang nakalagay, pati pangalan. Maari itong icheck ninuman anumang oras sa Facebook, pati na ang bilang ng mga miyembro ng bawat grupo.  Anong bumabayad sa troll ang pinagsasasabi ni SilentNoMorePH? Iyong mga grupong pro-Leni, madalang pa sa patak ng ulan ako makakita. Kung may interesadong pro-Leni, labasan at bilangan na lang ng mga grupo.

Heto pa: “…hanggang sa pamemeke ng mga testigo ng di umano'y nakakita ng pandaraya noong nakaraang eleksyon.”  Lahat ng testigo ni Bongbong, nakalista ang BUONG PANGALAN. Tutoong tao. Paano naging fake? Binanat na ng abugado ni Leni na si Romulo Macalintal na mga hindI rehistradong botante sa iba-ibang lugar sa Mindanao kung saan nagkaroon umano ng dayaan. Pero nilinaw na rin ng abugado ni Bongbong na ang mga testigong sinasabi ni Macalintal ay mga TAONG GOBYERNO NA NAKA-ASSIGN LAMANG SA MGA NATURANG LUGAR noong eleksiyon, tulad ng mga election officials. Natual na hindi sila mga rehistradong botante doon. Pero nakita ng mga ito ang umano’y dayaan, dahilk nandoon sila sa mismong pinangyarihan.

Dinagdag pa ni SilentNoMorePH: “Ngayon at bistado na ang modus ni Bongbong … nagsasampa ang kampo niya ng kung anu-anong motion para lamang mapatagal ang electoral protest niya.: Gusto niya mas tumagal ang panahon upang makahanap ng kahit anong magagamit niya.”

WALA naman siyang PARTIKULAR NA SINABI kung anong motion.  At MULA’T SAPUL, humigit-kumulang sa 20,000 PAHINA AT PIRASO ng ebidensiya ang AGAD na isinumite ni Bongbong sa Presidential Electoral Tribunal. Si Leni, HINDI NABALITA KAHIT KAILAN  na umabot kahit sa 2,000 o 3,000 man lamang ang ebidenisya niya laban kay Bongbong.. Tapos, si Bongbong pa ngayon ang naghaqhanap ng magagamit niya?

Alam kaya ni SilentNoMorePH ang ibig sabihin ng logic? O nahihibang ba siya sa lagnat o talagang ganito siya KABOBO?30


No comments:

Post a Comment