Sunday, July 14, 2019

DAPAT KAY LENI MASIBAK, HINDI MA-IMPEACH!


Image result for images for leni robredo
Bago ang lahat, pasensiya na kayo kung ngayon lang ako nag-post. Nawalan ako ng Internet sa bahay nitong nakaraang 3 o 4 na araw. Sorry talaga.
                                               ***
Dapat kay Leni Robredo, MASIBAK O MATANGGAL sa puwesto at hindi ma-impeach. Para MALIWANAGAN ANG LAHAT:

Kung sa impeachment matatanggal si Leni bilang vice-president KUNO, MAGIGING MALINIS ang naging panalo niya noong 2016 laban kay Bongbong Marcos. Buong ningning na niyang masasabi na hindi siya nandaya o walang nandaya para sa kaniya kaya’t impeachment ang ginamit para lang siya matanggal. Kahit KABI-KABILA na ang mga PISIKAL NA EBIDENSIYA NG DAYAAN na nadiskubre sa PARALISADO nang protesta ni Bongbong laban sa kaniya.

Mga pisikal na ebidensiya ng dayaan na HINDI MAKONTRA ni Leni KAHIT ISA.

Magkakaroon pa ng dahilan si Leni na mag-drama na INAPI SIYA dahil inimpeach siya. At si Bongbong pa ang lalabas na masama kapag nagkataon dahil masasabi ni Leni na WALANG NAPATUNAYAN sa mga paratangh at ebidensiya nito kaya siya inimpeach na lang.

MALIWANAGAN sana ang lahat nang hindi masyadong nakakaunawa. At kumontra na ang gustong kumontra.
                                                     ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 

1 comment:

  1. kahit peke si leni hindi pedeng masibak kasi she is elected VP pansamantala habang dinidinig ang protest ni BBM...sa batas hindi pedeng masibak ang isang elected...pede siyang IIMPEACH

    ReplyDelete