Natalo na nga ni Isko Moreno, SINISIRA PA ni
dating Manila Mayor Erap Estrada ang SARILI sa depensa niya kung bakit hndi
niya pinaalis ang LIBU-LIBONG ILEGAL VENDORS noong administrasyon niya.
Sa isang istorya sa https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/701120/erap-ipinaliwanag-kung-bakit-di-niya-pinaalis-noon-ang-mga-illegal-vendor-sa-maynila/story/,
sinabi ni Estrada na “hindi ko kayang gawin 'yon (pagpapaalis
ng illegal vendors) hanggang walang kapalit na hanapbuhay sila."
Una: Ilang libo lamang ang mga illegal vendor
kumpara sa ILANG MILYONG RESIDENTE ng Maynila na ilang taon nang NAGDURUSA SA
MGA PROBLEMA AT PELIGRO na dulot ng mga ito. Tulad ng mga SINAKOP na mga kalsada ng mga illegal vendor sa Carriedo sa
Quiapo, Divisoria at Blumentritt at ang super-tinding traffic na naging
resulta.
At ng peligro laban sa mga MANDURUKOT,
SNATCHER AT HOLDAPER dahil sa halos 24 oras na siksikan ng mga naglakad sa mga
naturang lugar. At sa mga panganib ng pagkakasakit dahil sa mga mikrobyo aty
bacteria na nagkalat dahil sa dumi at polusyon.
Kaya ang tanong: BAKIT MAS MAHALAGA PA kay Erap
ang kapakanan ng libo-libong illegal vendors kesa sa milyon-milyong
residente ng Maynila? Sabi nga sa Ingles, WHAT GIVES?
Pangalawa: Anim na taong naging mayor si
Erap. Anim na taon ding hindi nawala ang mga illegal vendor. Kung susundan ang depensa niya, ANIM NA TAON
SIYANG WALANG SOLUSYON sa problema. Kaya ang tanong: BAKIT? ANO O SINO, KUNG
MERON MAN, ANG NAGING HADLANG? BAKIT SIYA WALANG NAGAWA? Alam ng lahat na ILAMPUNG
TAON O DEKADA na si Erap sa politika.
Sa haba ng karanasan niya, NAPAKAHIRAP
PANIWALAAN na illegal vendors lamang ay HINDI NIYA NALUTAS, KAHIT KAUNTI.
Samantalang si Isko, wala pang isang buwan na mayor ay malinis na sa illegal
vendors ang Divisoria, Carriedo, Blumentritt at iba pang lugar.
Kaya sa mga Erap loyalists: Payuhan ninyo
siya na pagisipan munang mabuti ang anumang sasabihin niya. HUWAG NIYANG SIRAIN
ang sarili niya sa puntong ito ng buhay niya. MAY ISIP, AT NAGIISIP, ang mga
taga-Maynila. At ang sambayanan.
***
May bago din
po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at
enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung
iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog.
Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30
paano nya paaalisin ang mga vendors dyan sya kumukita garapal kasi nananalantay sa dugo nya talaga ang pera pera lang ,wala syang pakialam kaya ang manila basura kahit saan ,ngayon na unti unti nang nalilinis ng bagong mayor isko nakikialam ,de na nahiya sampal kaya sa kanya yon sampo ng aliporis nyang ganid at uahaw sa pera ginagamit nya ang mga vendors para mangulimbat ng salapi de ba totoo?
ReplyDeleteanong klaseng tao ito eh ikaw nga nanguna magtapon ng basura sa manila bay gusto maglatag ka ng vendors mo sa lansangan ng maynila wala na erap laos ka na kaya nga puro talo pamilya mo eh wala na kasi nakakakilala sayo siguro kung 1960 kilala ka nung araw heheheh erap para sa hirap kuno dami mo nga ninanakaw sa kaban ng maynila di ba kya ka natangal bilang presedente perqa din ang daqhilan di ako taga mayanila pero mas idol ko si yorma kois betneb lbetneb lang ikaw erap saan makakarating ang betneb mo
ReplyDeleteetneb Aces 😃
Delete