Sunday, July 28, 2019

WALANG BALITANG TUMULONG NA SINA ABAD, LP

Image result for butch abad
Dumarami na ang bilang ng namatay at nasugatan, malawak na ang pinsalang idinulot ng lindol sa Batanes. Pero hanggang ngayon, WALANG NABABALITANG TUMULONG na ang dating congressman nila at naging Budget Secretary na si Butch Abad.

O ang sinuman sa mga katribo niya sa Liberal Party (LP).

IMPOSIBLE namang walang maitutulong na kahit ano si Abad. Kahit na mula sa sarili niyang bulsa, o impluwensiya sa mga natitira niyang kaibigan at koneksiyon sa gobyerno para makadagdag tulong sa mg aka-probinsiya niyang nabiktima ng lindol.

Gayundin ang mga kakosa ni Abad sa LP. Lalong lalo na si Leni Robredo, na laging may press release sa bawat lakad niya sa iba-ibang lugar. Pero uulitin ko, WALANG ANUMANG BALITA. Itama ako ninuman kung mali ako.

Ganito ba ang style nila ng pagiging makatao, maka-mahirap? Ang alam ko kasi pagdating sa tunay na pagtulong sa kapuwa, ginagawang KUSA KE NASA PUWESTO KA PA O WALA NA!
                                                     ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 





1 comment: