ARAW-ARAW may balita sa mainstream o national
media tungkol sa China at sa problema sa West Philippine Sea (WPS). Maliit man
o malaki, pangyayari man o opinion lamang ng kahit na sino, LABAS AGAD-AGAD sa
mainstream media. Lalo pa kung BANAT O ATAKE kay Pangulong Digong Duterte o sa
kaniyang gobyerno.
Pero iyong 16 NA BIYAHE ni Antonio Trillanes sa China BAGO LUMALA ang problema, sa utos diumano ni noo’y Presidente Noynoy Aquino, WALANG NABABANGGIT. WALA RING BAGONG BALITA, WALANG NAGFAFOLLOW-UP sa media.
NI walang nababalita na may nagattempt man
lamang na kausapin si Noynoy o si Trillanes para alamin na ang DAHILAN ng 16 na
biyaheng iyon. PARANG WALANG NANGYARI. Kahit na UMAMIN NA si Noynoy na SIYA PA
ANG PANGULO nang pasukin ng China ang Panatag Shoal noong 2012.
Kaya isipin ninyo ito, mga kababayan: KUNG
WALANG KATARANTADUHAN sa 16 China trips ni Trillanes, bakit ayaw nilang
magsalita ni Noynoy tungkol dito HANGGANG NGAYON? WALA tayong garantiya, mga
kababayan, na walang kaugnayan ang mga biyaheng iyon sa kasalukuyang lagay ng
problema sa (WPS).
Maliwanag pa sa sikat ng araw na GINAGAGO
TAYO, mga kababayan.
***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.
Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng
malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang
mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God
Bless us all.30
No comments:
Post a Comment