Sunday, July 21, 2019

KOMPRONTAHIN NINYO SI ‘BIKOY’ PARA MAGKAALAMAN NA!



Sa mga miyembro at kakosa (ally) ng Oposisyon na idinemanda ng sedition at iba pang krimen dahil sa ‘Bikoy’ video na “Ang Totoong Narco List’:  PURO DIN LANG KAYO DALDAL, KOMPRONTAHIN ninyo siya LIVE at may MEDIA COVERAGE. Para magkaalaman na agad kung sino ang SINUNGALING AT TRAIDOR SA BAYAN AT SINO ANG HINDI.

Puro kayo DENIAL AT BANAT ng todo kay ‘Bikoy’ at kay Pangulong Digong Duterte, WALA NAMAN KAYONG EBIDENSIYANG MAIPAKITA kahit isa  na inosente kayo. Ganun din ang mga grupong kakampi ninyo, gaya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at Free Legal Assistance Group.

Kumbaga sa manok PURO KAYO PUTAK, WALA NAMAN KAYONG ITLOG.  At sabi nga ng isa kong personal na kaibigan, PURO PORMA SA MEDIA, WA NAMAN WENTA…WA PRUWEBA. Samantalang si ‘Bikoy,’ isinumite ang laptop computer at cell phone sa PNP bilang ebidensiya niya.

Halos dalawang buwan na mula nang PANGALANAN ni Bikoy ang iba sa inyo  sa pangalawa niyang press statement, kung saan sinabi niyang HINDI TOTOO ang nilalaman ng ‘…Narco List’ video, at may kinalaman diumano ang ilan sa inyo. Pero hanggang ngayon, HNDI NINYO SYA MAKOMPRONTA O MAIDEMANDA ng libel at iba pang krimen.

Sabi nga sa Ingles, PUT UP OR SHUT THE FUCK UP!  Kung wala kayong ebidensiya na inosente kayo, LALONG HINDI INTERESADO ang sambayanan sa mga press release ninyo na WALANG LAMANG DETALYE.
                                                     ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 






No comments:

Post a Comment