Friday, July 26, 2019

KAPAL NAMAN NG MUKHA NG PCSO


Image result for images for pcso lotto
In a story in https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/702564/pcso-to-appeal-for-resumption-of-its-gaming-operations/story/?just_in, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) said it will appeal to President Digong Dutertte for the resumption of the lotto and its other money-making games.

KAPAL NAMAN NG MUKHA ng PCSO.

Ni HINDI PA NAUUMPISAHAN ang imbestigasyon sa malawakang corruption na sinasabi ng Pangulo na dahilan kaya niya pinatigil muna ang mga sugal ay aapela na agad ang PCSO na ibalik na ang mga ito.  Imbes na hintayin munang maisagawa at matapos ang imbestigasyon.  

Para ano, PCSO? Para kung sakaling ngang may MALAWAKANG WALANGHIYAAN sa mga sugal ninyo, TULOY LANG ANG DILIHENSIYA? At kung ibalik man agad ang mga sugal ninyo ng walang imbestigasyon o audit, WALANG GARANTIYA kaming sambayanan na HINDI NINYO PAGTATAKPAN ang anumang posibleng ebidensya sa proseso.

Kung WALA KAYONG TINATAGONG ANOMALYA, PCSO, lalong WALANG DAHILAN para hindi muna kayo maghintay ng imbestigasyon at resulta nito bago ninyo ibalik ang lotto at iba pang sugal ninyo.

Nagiisip, at nagmamatyag, kaming sambayanan.
                                                        ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 



No comments:

Post a Comment