LUMALAWAK AT NAKAKABAHALA NA ang news
blackout sa pagtorture at pagpatay kay Richard Santillan, and security aide ni
Glenn Chong.
May lumabas kahapon sa national media na
mismong si Pangulong Digong Duterte na ang nagutos ng masusi at PAREHAS na
imbestigasyon sa nangyari. Ito ay matapos ang humigit-kumulang na dlawang
linggo na WALA, as in NONE, na anumang lumabas tungkol sa latest sa kaso.
Kaya ko sinasabing news blackout pa rin kahit
lumabas ang utos ng Pangulo ay dahil WALANG ANUMANG FOLLOW-UP na istorya
tungkol dito. WALA kahit isang istorya ng komento o reaksiyon man lamang ng kahit
na sinong mataas na opisyal ng PNP. O ng kung paano ngayon susundin ang utos ni
Digong.
Ang NORMAL na proseso naman ay tanungin AGAD
ang pinaka-mataas na opisyal ng PNP na available kung ano ang gagawin nila ngayon.
Nasasabi ko ito dahil DATI AKONG TAGA-MEDIA, senior editor sa isang grupo ng
mga dyaryo.
Pangulo na ng bansa ang nagsalita pero WALANG
REAKSIYON ang PNP. At WALA ring tinangkang kuning reaksiyon ang media dahil
kung mayroon, nagkomento man o hindi ang PNP ay nilabas na dapat nila agad.
Para pati ang utos ni Digong ay HINDI
PANSININ, isipin ninyo, mga kababayan: ANO BA MERON sa pagpatay kay Richard at
GANITO KALAWAK AT KAGARAPAL na ang news blackout? At SINO o SINO-SINO ba ang
nasa likod nito? 30
No comments:
Post a Comment