Sa Comelec: ABSUWELTO na ba ang mga mandaraya
noong 2016 elections?
Naglabas na kayo ng listahan ng mga
senatorial candidates. Nagyayabang na ang spokesman ninyo na walang dapat pangambahan sa eleksiyon sa darating na
Mayo. Pero HANGGANG NGAYON, WALANG NABABALITA na may inaksiyunan na kayo sa
kabi-kabilang DAYAAN AT PISIKAL NA EBIDENSIYA NA NABULGAR na. Pati na ang mga
senyales ng dayaan.
Tulad ng mga basa/punit/may paso at amoy
kemikal na balota, pre-shaded ballots sa pangalan ni Leni Robredo, pagpapadala
ng resulta KUNO sa Ragay, Camarines Sur ISANG ARAW BAGO ang aktwal na botohan, HINDI AWTORISADONG PAKIKIALAM
sa transparency server at PAGGAMIT NG IBA PANG SERVER ng Smartmatic na hindi pinaalam sa inyo at mga SD cards na
hindi kuno nagamit sa eleksiyon pero nadiskubreng may laman palang mga data.
Hanggang ngayon, walang nababalita na KAHIT
ISA ay may tinanggal, kinasuhan, sinuspinde o inimbestigahan man lang kayo sa
mga tauhan ninyong naka-assign sa mga pinanggalingan ng mga ebidenisya ng
dayaan.
WALA AS IN WALA rin kayong anumang aksiyon
hanggang ngayon laban sa Smartmatic. Sa halip, binigyan pa ninyo ng bilyun-pisong
halaga ng kontrata, na sa BUWIS DIN NAMING SAMBAYANAN MANGGAGALING!
Iho de puta namang KAWALANGHIYAAN iyan sa aming
sambayanan.
Derechahin na ninyo kaming sambayanan,
Comelec, kung absuwelto na ba sa inyo ang mga mandaraya. Para alam na namin ang
susunod naming gagawin.
***
Song of the Day: AQUARIUS...LET THE SUNSHINE
IN by the 5th Dimension…https://www.youtube.com/watch?v=vGvwaKwvZ-M.
30
No comments:
Post a Comment