Wednesday, January 9, 2019

KALOKOHAN NA NO.1 SI POE DAHIL…


Image result for images for grace poe
Bukod sa WALA naman siyang maipakitang programa o proyekto, o bill na naging batas na nakatulong sa sambayanan, heto pa ang ilang simpleng dahilan kung bakit KALOKOHAN na No. 1 KUNO si Grace Poe sa mga survey:

Hanggang ngayon, KAHIT ISANG KILALA AT MALAKING ORGANISASYON O SEKTOR AY WALANG NAGPAPAHAYAG ng suporta sa kaniya sa eleksiyon sa isang taon. As in WALA KAHIT ISA.

Poe has NOT BEEN ENDORSED EITHER by even a single and influential religious, political or civic leader.  

Kung ang popularity naman ng ama ni Grace na si Fernando Poe Jr. (FPJ) ang sasabihing basehan, LALONG IMPOSIBLE. Sa tanggapin o hindi ni Grace, ilang taon nang HINDI NA GANOONG KAPOPULAR si FPJ. Bakit ko nasabi?

Bihira as in bihira nang mapanood ang mga pelikula ni FPJ, sa TV man o sa mga sinehan. Kung ang kasikatan ni FPJ ay tulad pa rin noong araw kung saan kahit na sinong maugnay sa kaniya ay sisikat din, dapat ay walang patid ang pagpapalabas ng mga pelikula niya sa TV at sa mga sinehan.

Kaya SAGARANG KALOKOHAN ang pinagpipilitan ngayon ng SWS at Pulse Asia na No. 1 si Poe sa surveys para sa mag kandidato para senador. Sagarang kalokohan, PANLOLOKO SA TAUMBAYAN. Kumontra na ang kokontra.
                                                            ***
Patuloy ninyo sana akong suportahan para makapag-post araw-araw, mga kababayan, sa pamamagitan ng pag-click at pagtingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat lagi and God Bless. 30 

No comments:

Post a Comment