Tuesday, January 8, 2019

UMIIYAK NA SI RICHARD SANTILLAN


Image result for images for richard santillan
Saan man siya naroroon, tiyak na UMIIYAK NA NG TODO si Richard Santillan. Sa TODONG KAAGRABYADUHAN niya sa nagiging takbo ng pagpatay sa kaniya.

SAMPUNG ARAW lamang, solved na ang pagpatay kay Congressman Rodel Batocabe. Kay Richard, MAGIISANG BUWAN na mula nang patayin siya, hanggang ngayon IMBESTIGASYON pa rin. Kahit na KABI-KABILA na ang ebidensiya na KASINUNGALINGAN ang sinasabi ng PNP na nakipagbarilan si Richard kaya ito napatay.

Tulad ng TORTURE SIGNS na nakita ng Public Attorney’s Office (PAO) sa kanilang autopsiya. At ang HINDI AGAD PAGBIBIGAY ALAM ng mga nakapatay ng nangyari sa pamilya ni Richard.

Kay Batocabe, AGAD-AGAD na may nagraise ng reward money para mahuli agad ang mga killer. Kay Richard, WALANG NABALITA na kahit isang V.I.P (very important person) na nagbigay KAHIT PISONG DONASYON para sa mga naulila niya o para sa capture ng mga salarin.

Kay Batocabe, ARAW-ARAW ay may BAGONG DEVELOPMENT NA LUMALABAS sa media. Kay Richard, WALA. as in WALA. Maliban sa PAO autopsy. May lumabas na dalawang istorya tungkol sa pagpatay kay Richard pero kung mababasa mo, LAMANG NA LAMANG ANG BERSIYON ng PNP.

There’s more. But take note, boys and girls: Richard and Batocabe were both BRUTALLY MURDERED. Pero kumbaga sa pagkain, KUMPLETOS RECADOS iyong kay Batocabe. Halos WALANG REKADO iyong kay Richard. Samantalang sa batas natin, ALL MEN ARE EQUAL under the law.

Magalit na ang magagalit, PATULOY NA INAAPI si Richard.
                                                          ***
Patuloy ninyo sana akong suportahan para makapag-post araw-araw,  mga kababayan, sa pamamagitan ng pag-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat lagi at God Bless.30




1 comment:

  1. Lagi po kaming naka-suporta sa inyo Atty. Glen Chong, all way to the Senate! God bless you always๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

    ReplyDelete