Wednesday, January 16, 2019

KAY ROBREDO KA NA SUMUWELDO, CAGUIOA!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa with leni robredo
Kay Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin  Caguioa: BULAG, PIPI AT BINGI ka rin lang sa hiling ng sambayanan para sa resulta ng recount at paglalabas ng mga kaganapan doon, KAY LENI ROBREDO KA NA SUMUWELDO.

HUWAG sa buwis at iba pa naming bayarin sa gobyerno.  

Si Robredo LANG NAMAN ANG NAKIKINABANG sa tila wala nang katapusang recount, at NEWS BLACKOUT na patuloy mong pinaiiral. HINDI ANG SAMBAYANAN.

Kaya MAHIYA ka naman KUNG BUWIS AT BAYARIN pa rin naming sambayanan ang kukunin mong suweldo, allowances at iba pang benepisyo. Pati na ginagastos sa opisina mo.

HINDI NAMAN PUWEDE na habang panahon NAMING GAGASTUSAN ang anumang SI ROBREDO LAMANG ang makikinabang. Ano kayo, NAGUUMAPAW ANG SUWERTE? Mga anak ng Diyos?

Kumontra na ang kokontra.
                                                       ***
Song of the Day: WHEN I FALL IN LOVE by Julio Iglesias… https://www.youtube.com/watch?v=LM2OKW_LMQ4
                                                      ***
Patuloy sana ninyo akong suportahan para araw-araw akong makapag-post sa pamamagitan ng pagclick at pagtingin sa mga advertisements sa paligid ng ating blog. 30

No comments:

Post a Comment