Since there’s NO NEWS, as in NONE, up to now
on the latest in Richard Santillan’s highly suspicious death, let’s NOT ALL
FORGET these two vital signs which indicate he was SUMARILY EXECUTED, and not
killed in a supposed gunrunning battle as the police alleges:
Una: SARADO
ANG MGA BINTANA AT HINDI BASAG ang windshield sa harap at likod ng sasakyan ni
Richard. Dalawang retired na sundalo at isang kumpare ko na maalam sa baril ang
kinonsulta ko and they all agreed with me: Iisa lamang ang posibleng dahlian–HINDI
NAGPAPUTOK si Richard mula sa loob ng sasakyan.
Kaya’t kung hindi nagpaputok si Richard mula
sa loob ng sasakyan, paano nagkaroon ng barilan tulad ng sinasabi ng pulisya?
Idagdag pa natin na may lumabas nang balita na NEGATIVE sa gunpowder burns si Richard and the PNP HAS NOT NOT PROVEN
THIS WRONG up to now.
Pangalawa: DRIVERS’ SIDE ang may pinakamaraming
tama ng sasakyan ni Richard. Ibig sabihin, ang mga nagpaputok nito ay NASA
TAGILIRAN din niya. Kung habulang barilan ang nangyari, dapat ay LIKOD AT HARAP
ng sasakyan ang may pinakamaraming tama.
Habulan KUNO ANG NANGYARI kaya derecho ang direksiyon ng bala paglabas ng baril. Tatama lang ito sa iba kapag nagricochet o tumalbog matapos unang tumama sa iba. Subalit hanggang ngayon, WALANG NAREREPORT na ganitong pangyayari noong gabing mapatay si Richard.
HINDI KAILANGAN ANG HENYO para maintindihan
at Makita ninuman na MALABO ang sinasabi ng pulisya na nakipagbarilan kuno si
Richard kaya napatay. KUMONTRA NA ANG KOKONTRA.
***
Patuloy ninyo
sana akong suportahan para makapag-post araw-araw, mga kababayan, sa
pamamagitan ng pag-click at pagtingin sa mga advertisement sa paligid ng ating
blog. Salamat lagi and God Bless. 30
Very Good Analysis!From someone who knows very well about gun trajectories!
ReplyDelete