Friday, January 11, 2019

HUMANDA NA TAYO SA SUPER-DUPER DAYAAN


Image result for images for richard santillan
Simula na ng eleksiyon period bukas, LInggo. Kaya ngayon pa lamang, mga kababayan, HUMANDA na tayo sa SUPER-DUPER LAWAK NA DAYAAN AT MILAGRO! Think about these:

Hanggang ngayon, KAHIT ISANG TAO AY WALANG NAKAKASUHAN O NAPAPARUSAHAN sa kabila ng kaliwa’t-kanan na PISIKAL NA EBIDENSIYA ng dayaan noong 2016 election.

WALA RING INAAKSIYUNAN KAHIT ISA HANGGANG NGAYON ang Comelec, pati na si Bongbong Marcos protest  supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa, sa mga pisikal na ebidenisya – basa/punit-punit/amoy kemikal na mga balota, pre-shaded na mga balota sa pangalan ni Leni Robredo, pagpapadala sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ng resulta KUNO ng eleksiyon ISANG ARAW PA bago  ang aktwal na botohan, Laguna outing ng isang tauhan ni Robredo at ilang mga empleyado ng Presidential Electoral Tribunal (PET0 at isang katerba pang iba.

Patuloy na binabale-wala ang pagtorture at pagpatay sa security aide ni Glenn Chong na si Richard Santillan. WALANG ANUMANG BAGONG DEVELOPMENT na nirereport ang PNP, pati ang national media. Tukoy ang mga pulis na kasangkot pero KAHIT ISA, WALA PANG NAKAKASUHAN O DINISARMAHAN man lamang.

PATULOY ANG PAGTATAGO ng resulta ng recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Robredo.  PATULOY ding WALANG JUSTIFICATION na maibigay ang mga kinauukulan para dito.  

At higit sa lahat, HINDI NA PAPALITAN ng Comelec ang Smartmatic kahit na MARAMI sa mga dayaang nadiskubre ay NAGMULA SA AUTOMATED ELECTION SYSTEM nito.

MAY PINATAY NA, BALE-WALA. PISIKAL AT BERIPIKADONG ebidensiya ng dayaan, bale-wala. Smartmatic, HINDI PAPALITAN. WALA NANG PIPIGIL PA sa mga mandaraya noong 2016 para MANDAYA MULI. WALA nang pipiigil pa sa kanila para magisip at gumamit ng mga bagong paraan ng pandaraya.  

KUMONTRA NA ANG KOKONTRA. IHO DE PUTANG LOKOHAN ITO!   
                                                            ***
Patuloy ninyo sana akong suportahan para makapag-post araw-araw, mga kababayan, sa pamamagitan ng pag-click at pagtingin sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat lagi and God Bless. 30






2 comments: