Tuesday, January 1, 2019

NEWS BLACKOUT SA RICHARD KILLING, LUMALAWAK!


Image result for images for richard santillan
LUMALAWAK AT NAKAKABAHALA NA ang news blackout sa pagtorture at pagpatay kay Richard Santillan, and security aide ni Glenn Chong.

May lumabas kahapon sa national media na mismong si Pangulong Digong Duterte na ang nagutos ng masusi at PAREHAS na imbestigasyon sa nangyari. Ito ay matapos ang humigit-kumulang na dlawang linggo na WALA, as in NONE, na anumang lumabas tungkol sa latest sa kaso.

Kaya ko sinasabing news blackout pa rin kahit lumabas ang utos ng Pangulo ay dahil WALANG ANUMANG FOLLOW-UP na istorya tungkol dito. WALA kahit isang istorya ng komento o reaksiyon man lamang ng kahit na sinong mataas na opisyal ng PNP. O ng kung paano ngayon susundin ang utos ni Digong.

Ang NORMAL na proseso naman ay tanungin AGAD ang pinaka-mataas na opisyal ng PNP na available kung ano ang gagawin nila ngayon. Nasasabi ko ito dahil DATI AKONG TAGA-MEDIA, senior editor sa isang grupo ng mga dyaryo.

Pangulo na ng bansa ang nagsalita pero WALANG REAKSIYON ang PNP. At WALA ring tinangkang kuning reaksiyon ang media dahil kung mayroon, nagkomento man o hindi ang PNP ay nilabas na dapat nila agad.

Para pati ang utos ni Digong ay HINDI PANSININ, isipin ninyo, mga kababayan: ANO BA MERON sa pagpatay kay Richard at GANITO KALAWAK AT KAGARAPAL na ang news blackout? At SINO o SINO-SINO ba ang nasa likod nito? 30



No comments:

Post a Comment