Tuesday, August 1, 2017

LALONG DAPAT IMBESTIGAHAN SI NOVA PAROJINOG

Image result for images of nova princess parojinog
Reynaldo and Nova Parojinog with Leila de Lima

02 August 2017

Habang lumilipas ang mga araw ay mas LALONG DAPAT IMBESTIGAHAN NG TODO si Nova Princess Parojinog!

May kumakalat na storya ngayon sa social media na ayon sa abugado ni Nova, hindi shabu ang tinangkang itago at mistulang isubo nito habang hinahalughog na ng mga police raiders ang mga gamit niya sa kaniyang bahay. ANUMAN IYON, tiyak na MAY KABIGATANG ILEGAL dahil kung wala, wala ring dahilan para pilit niyang ikubli ito kahit na may mga pulis at media nang nakapaligid sa kaniya.

Sa isang istorya naman sa gmanews.tv, pinilit nang anak ni Nova na si Sophia na ‘planted’ o nilagay lamang ng mga police raiders ang mga baril, pinaghihinalaang shabu at iba bawal na bagay na nakuha mula sa kanilang bahay.  Bakit daw sila maglalagay ng baril sa bahay samanatalng may mga bata silang kasama at puro babae lamang sila.

Sa tutoo lang, mga kababayan, may naging kaibigan akoing propesora sa isang unibersidad na misis ng isang OFW na nagtago ng baril sa kanilang tahanan sa loob ng ilang taon, mula noong elementary hanggang sa mag high school ang mga anak niya at umuwi na ang asawa niya. Nagtrago siya ng baril, lisensiyado, bilang PROTEKSIYON nilang magiina.  Kaya KALOKOHAN iyong depeensa ni Sophia na may mga bata silang kasama at puro babae sila kaya imposibleng magtago sila ng baril. Iyong sa pinaghihinalaang shabu, tandaan natin na minsan nang nasangoty si Nova at ang napatay niyang ama at Mayor ng Ozamiz City na si Reynadlo sa illegal na droga.

Isa pa, kitang kita sa news video may mga kasamang taga media ang mga raiders sa paghahalungkat sa mga gamit n Nova. Kaya paano pang makapagtatanim ng ebidensiya ang mga ito?

Kaya ang tanong ngayon, bakit may mga baril sa loob ng bahay ni Nova kung wala naman siyang dapat ikatakot? May mga security na nga silang magpapamilya, may mga baril pa sa loob ng bahay niiya! Welcome magpalaiwanag ang kahit na sino.30










3 comments:

  1. Palibhasa lumaki sa katas ng droga ang anak kaya kabisado na ang mga palusot!Malamang trained pang humawak ng baril mga yan.

    ReplyDelete
  2. Palibhasa lumaki sa katas ng droga ang anak kaya kabisado na ang mga palusot!Malamang trained pang humawak ng baril mga yan.

    ReplyDelete