Sunday, August 20, 2017

KADUDA-DUDA NA PAMILYA NI KIAN!

Kian's parents with Leni Robredo




21 August 2017

Kagabi ko lang nabasa sa huling post ni Caloocan City Assistant Prosecutor Darwin Canete na TUMANGGI ang pamilya ni Kian delos Santos na ipa-autopsiya ang kaniyang bangkay.  Personal na ininspeksiyon ni Canete ang bangkay ni Kian. Magalit na kung magagalit ang sinumang Poncio Pilato, KADUDA-DUDA na ito.

Sa autopsiya MALALAMAN ANG KATOTOHANAN sa mga sumusunod: Kung tutoong pinutukan ng baril ni Kian ang mga pulis na nakapatay sa kaniya o hind at kung nilagay o ‘planted’ lamang ng mga pulis ang shabu sa katawan ni Kian o hindi, na naging obserbasyon ni Darwin.

Kung tutoong inosente siya, mas MABILIS MAKAKAMIT ng pamilya ni Kian ang KATARUNGAN sa pamamagitan ng autopsiya. Sinumang NAGHAHANAP NG KATARUNGAN, SUSUNGGABAN ANG LAHAT NG PAGKAKATAON para makuha agad ito. Kung WALANG GUSTONG ITAGO ang pamilya ni Kian, WALANG MATINONG DAHILAN para tumanggi sila sa autopsiya.  

Hangga’t walang autopsiya, mga BUWAYANG HINDI MAKAPAGHINTAY MAHAWAKAN ANG GOBYERNO  lamang ang hindi titigil sa pagsasabi na pinatay ng walang kasalanan at walang laban si Kian!30



No comments:

Post a Comment