Tuesday, November 3, 2015

PAGATRAS NI POE, SARILI NIYANG GIMIK!

Nov. 3, 2015

SARILING GIMIK lamang ni Grace Poe ang inihayag niyang pekeng-email kuno  na nagsasabing nagwithdraw o umattas na siya sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016. Bago patuloy na BULAG NA MANIWALA ang sinuman, isipin muna ninyo ang mga ito:

WALANG matinoig dahilan ang snuman para MAGSAYANG pa ng oras at pagod sa paggawa at pagkakalat ng pekeng e-mail na iyun. TATLONG KASO ang nakasamapa laban kay Grace para madisqualify siya sa pagsali sa eleksyon.  Nakalahad sa mga kaso ang mga batas na naging batayan ng pagsasampa ng mga iyon. Kaya’t walang dahilan para PAGAKSAYAHAN pa ng PAGOD, ORAS at PERA si Grace para sirain lamang sa pamamagitan ng isang peuwleng e mail, hangga’t hindi pa nadedesisyunan ang alinman sa tatlong kaso laban sa senadora.

Lumabas ang pekeng email kung kailan BIHIRA nang napaguusapan si Grace sa media. At kung kailan din mas marami na ang batikos kesa papuri o pahayag ng suporta sa kaniyang kandidatura. Tanging ang mga survey na lang ng SWS at Pulse Asia ang nagsasabing nangunguna pa rin si Grace subalit WALANG SINUMANG MALAKING GRUPO ang nagpahayag na ng patuloy na pagsuporta sa kaniya.

Lalo pa’t HANGGANG NGAYON AY WALA SIYANG MAILABAS doon sa mga matitibay na ebidensiyang PINAGMAMALAKI niya dati na HAWAK na niya at magpapatunay na natural born Filipino siya kaya kwalipikado siyang tumakbo bilang presidenmte. AFFIDAVIT  na nga lang ay kinailangan niya pang humingi ng 10 araw na palugit para maisumite itiya.  Gayun din ang resulta ng DNA  test  na hiningan niya na rin ng extension ang deadline ng pagsusumite. Tandaan din  ninyo, mga  kababayan, ni HINDI NIYA PINAKILALA ang mga kapartner niya sa DNA testing.

Kaya’t k,ailangan ni Grace ng BAGONG GIMIK para patuloy siyang mapagusapan. At sa pekeng email na iyon, magmumukha nga namang MALA-BAGYO PA rin ang lakas niya kaya kailangan pati sa ganoong paraan at siraan siya. Kasama na rin dito ang magmumukha na naman siyang inaapi at kinakawawa dahil pati pagatras niya kuno ay pinepeke na.


Inuulit ko, sa mga naniniwala pa rink ay Poe, MAGISIP-ISIP KAO. Sa mga gumawa naman ng email gimik na ito, STYLE NINYO BULOK! 30

No comments:

Post a Comment