Sunday, November 1, 2015

TARANTADUHAN NA SA 'LAGLAG BALA!'

 Nov. 2, 2015

Bukod sa LANTARANG senyales ng pagiging sindikato at pagaresto at pagkulong sa mga inosenteng biktima, ang HIGIT NA NAKAKAGIGIL sa ‘laglag bala’ ay WALA KANG MAKITANG SENSE OF URGENCY na malutas agad ito sa panig ng pamahalaan.

Nagutos na ng imbestigasyon si PNoy. Pero ILANG ARAW nang  nasa media ang ‘laglag bala’ at umiingay na ang galit ng sambayanan bago siya kumilos. HINDI RIN NABALITA NA PINAGPAPALIWANAG ni PNoy sina Transporation and Communications Sec. Joseph Emilio Abaya NAIA general manager Angel Honrado alinsunod sa prinsipyo ng command responsibility.

Sinabi ni Abaya at Presidential Communications Sec. Sonny Coloma na may imbestigasyon nang ginagawa. Pero WALA NAMAN SILANG IBINIGAY NA MGA PANGALAN ng mga iniimbestigahan kuno o inisyal na resulta man lamang ng pagsisiyasat.

WALA man lang tayong nabalitaan na PERSONAL na naginspeksyon sa check-in area sina Honrado at Abaya. Sa halip, nanakot pa si Abaya nang sabihin nito sa isang interview na kahit isang bala lang ay sapat na para arestuhin ang pasaherong may dala nito. 


Kundi ba naman TARANTADUHAN ng maliwanag itio… 30

3 comments:

  1. Minsang sumakay ako ng eroplano dito sa Hongkong papauwi jan sa Pinas ay nakitaan ang laman ng shoulder bag ko ng metal sa loob nung HK-AVSECOM X-ray machine. Nilapitan ako ng isang officer at ipinadampot sa akin ang bag ko, pinabuksan at ipinapalabas lahat ng laman ng bag ko sa harapan nila. Nakita nila na isa sa nilalaman ng shoulder bag ko ay swissknife at simpleng-simple na sinabihan nila ako na hindi mo puwedeng bitbitin ang swissknife mo sa loob ng eroplano kaya pansamantala naming kukumpiskahin ito at bibigyan ka namin ng resibo para sa pagbalik mo ay mabawi mo sa amin itong swissknife mo. Ganun lang ka simple at pinalakad na nila ako papasok ng passengers departure lobby. At kung iisipin niyong mabuti ay mas delikado ang swissknife keysa sa bala kasi hindi naman puputok ang bala kapag walang baril. Hindi po ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko malaman kung anong klaseng pagiisip meron ang mga tao natin diyan sa gobyerno ni Pnoy. Siguro nga abnormal iyan kaya naging abnormal din pati takbo ng utak mga nagtatrabaho sa government niya!

      Delete
    2. pasensya na po...abnormal kasi ung presidente kya nahawa na halos lahat ng government official na malapit kay noynoy...

      nkakahawa po ang kabobohan ni Noynoy, mag ingat, wag lalapit

      Delete