Nov. 11, 2015
‘PA-POGI’ LANG NI PNOY ang panukalang
dagdag-suweldo para sa mga empleyado ng gobyerno. At kung MAMALASIN pa ang mga KARANIWANG
manggagawa, baka ABONADO pa siya sa magiging
DAGDAG sa income tax niya dahil sa kaniyang umento. Kumbaga, sa halip na GRASYA ay baka maging
DUSA a ang umento.
Liliwanagin ko na agad, HINDI AKO TUTOL sa
salary increase sa mga taong gobyerno. Hindi ako taong gobyerno pero MATAGAL na
dapat iyan. Pero tulad ng alam ng lahat, kapag LUMAKI ang sweldo ay LALAKI rin
ang income tax na dapat bayaran. Kaya’t yung humigit kumulang na karagdagang
P500 suweldo taon-taon sa susunod na apat na taon ay baka PANDAGDAG lang sa
income tax. Hindi bale sana kung BABABAAN ang income tax rate pero MATIGAS pa
ring tinatanggihan ito ni PNoy.
Isa pa, sa SOBRANG KAMAHALAN ng lahat ng
bagay ngayon, ANO NA LANG ANG MABIBILI ng P500? Baka PAMASAHE lamang papasok at
pauwi galling sa eskwela o trabaho ay hindi kumasya yan sa loob ng Isang linggo
man lamang. Higit sa lahat, isipin ninyo itong mabuti, mga kababayan: BAKIT
NGAYON LANG tataasan ang suweldo ng mga taong gobyero, KUNG KAILAN MALAPIT na
ang eleksyon?
Kung hindi rin lang ibababa ang incoe tax
rates at mga presyo ng pangunahing bilihin at pangangailangan tulad ng pagkain
at kuryente, isang MAPANLINLANG na gimik pulitika lamang ang dagdag sweldo sa
taong gobyerno, GUWAPONG GUWAPO si PNoy at ang tribu niya sa paningin ng mga
madadagdagan ng P500 yearly sa susunod na apat natin. Pero kung iisiping mabuti, BALE-WALA ito. INUUTO
lan gkayo ni PNoy na may MALASAKIT SIYA sa inyo, na may dapat kayong tanawaing
utang na loob kapag siya naman ang humiling ng inyong mga boto para sa mga tao
niya sa eleksyon. HUWAG KAYONG PABUBULAG, PALOLOKO! 30
Reviews ay napaka-interesante. salamat at regards gaji guru pns 2015
ReplyDelete