Wednesday, November 4, 2015

BILANG GANTI SA ‘LAGLAG BALA’…


Nov. 5, 2015

AYAW din lang ng mga  NAIA at DOTC officials na PANGALANAN man lamang o ALISIN  SA PUWESTO ang mga posibleng may kagagawan ng nagliliyab na ‘laglag bala’  raket sa mga airport, UMIWAS AT GUMANTI na lamang tayo sa ibang paraan:

BAWASAN NATIN hangga’t maaari, hangga’t kaya, ang BUMIYAHE sa pamamagitan ng eroplano, lokal man o pa-ibang bansa. Kung maaaring ipostpone ay ipagpaliban muna ang inyong pagalis. Kung ito naman ay matagal nang naka-schedule, tingnan ninyo kung aabot pa kayo sa araw ng nakatakda ninyong pagdating kung MAGBABARKO na lang kayo.  O kaya ay kung maglolong-drive na lamang kayo knng mga probinsiya lamang kayo pupunta.

Ang isa pang posibleng alternatibo ay kung maaari, sa skype o sa social media na lamang pagusapan at pagkasunduan kung puwede ang anumang transaksyon na pakay sana ng inyong biyahe.

Kung may mga parating naman kayong mga mahal sa buhay, ipagpaliban na muna hangga’t maaari ang paguwi, Tandaan ninyo, isa sa mga biktima ng ‘laglag bala’ ay isang Amerikanong misyonaryo na dumating sa bansa. Ipackage na lamang muna ang anumang ipapasalbog sana. Mabut na iyong masiguro ng 100 porsiyento na WALANG ABERYA sa paguwi.


Higit sa lahat, payuhan ninyo ang mga kaibigan o kamaganak na nagbabalak magbakasyon dito sa atin ngayong magpapasko na huwag na munang tumuloy. Gawin natin ang lahat ng ito HANGGA’’T HINDI natitigil at WALANG NAKAKASUHAN sa mga nagtatrabaho sa mga airport dahil sa l;aglag bala.  Tingnan natin kung sino ang hindi tatagal. 30

No comments:

Post a Comment