Nov. 9, 2015
AMININ niya man o hindi, BALE-WALA TALAGA ang
mahihirap kay PNoy.
Hindi dumating si PNoy sa ikalawang
anibersaryo ng paghagupit ni super typhoon “Yolanda’ noong Linggo sa Tacloban
City sa Leyte. Kahit na Malacanang man ay HINDI MAIKAILA ang mga balitang
humigit-kumulang sa ISANG MILYONG BIKTIMA pa ni ‘Yolanda’ ang WALA pang
permanenteng tirahan, USAD-PAGONG ang kontsruksyon ng mga pabahay at iba pang
tulong sa mga nasalanta. Sa halip na DAMAYAN ang libu-libong mga biktima na naghintay sa kaniya at PERSONAL
NA ALAMIN ang mga problema sa kanilang rehabilitasyon, mas pinili ni PNoy ang DUMALO SA KASAL NG BUNSONG
ANAK NG BILYONARYONG SI ANDREW TAN.
MAS IMPORTANTE para kay PNoy ang IISANG
BILYONARYO, kesa libu-libong mga biktima ni ‘Yolanda.’ Hindi man lang siya
DUMAAN KAHIT ILANG MINUTO para alamin ang kanilang tunay na kalagayan, na kung
tutuusin ay TRABAHO NIYA BILANG PANGULO AT AMA NG BANSA. WALA SIYANG PAKIALAM
kahit sari-saring problema na ang nagalabasan sa pagtulong sa mga sinalanta ni ‘Yolanda,’
Tulad ng DAAN-DAANG MILYONG donasyon o pondo na ITINAGO lamang sa bangko ng
DSWD at Office of Civil Defense at HINDI GINAMIT hanggang noong isang taon Nandiyan din ang mga problema kuno i sa
paghahanap at pagbili ng mga ari-ariang pagtatayuan ng pabahay para sa mga
biktima.
Kumbaga, sori na lang ang mga biktima at
WALANG PANAHON para sa kanila si PNoy. Kahit na ilang minuyo lamang. Pero sa
kasal ng anak ni Mr. Tan, MAYROON. Sa simbahan pa lamang, NANDOON NA SIYA. At huwag nating kalimutan ang PAGBALE-WALA na
ginawa ni PNoy sa mga bangkay ng PNP-SAF 44 nang dumating ang mga ito mualsa
pagmassacre sa kanila sa Mamasapano. Sa halip na salubungin ang mga bangkay bilang commander-in-chief ng PNP,
mas pinili ni PNoy na puntahan ang inauguration ng malaking planta ng isang
malaking car manufacturer sa Laguna.
Ginawa ni PNoy ang mga ito kahit na ‘boss’
niya kuno ang sambayanan. Mga boss na BINUBUSABOS niya. Sa mga maniniwala pa
ring maka-tao o maka-mahirap si PNoy, kundi kayo mga super-yaman din ay kailangan na ninyo ng psychiatrist.30
No comments:
Post a Comment