Sunday, November 1, 2015

IN FAIRNESS TO BONGBONG, MARTIN!

Nov.1, 2015

Nagwawala si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa puna nina Sen BongBong Marcos at pinsan nitong si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na wala o kulang sa malasakit sa mahihirap ang Aquino Government. Binigay ni Lacierdang halimbawa ang diumano’y P75 biyon na nagastos na umano ng pamahalaan sa Conditional Cash Transfer (CCT) Program na nagastos na para sa 4.4 milyong pamilya o mahigit 20 milyong mahihirap.

Puwes, PAKILABAS ANG LAHAT ng records ng PINAGKAGASTUSAN ng P75 bilyon na iyan, Mr. Lacierda. Para TAUMBAYAN MISMO ANG  MAKAPAGPATUNAY na sa mga mahihirap nga napunta ang LAHAT ng P75 bilyon na iyan at HINDI SA BULSA O SA PROYEKTO O INTERES ng ilang piling tao. Hindi sapat, at HINDI MAGIGING SAPAT KAILANMAN, ang salita mo lamang, Mr. Lacierda, para agad at bulag na maniwala ang taumabayan sa sasabihin mo o ng sinumang taong gobyerno. Nang WALA Na kayong kailangang ilabas na pruweba. Lalo pa, at sa iyo na rin nangggaling, na mageeleksiyon na. WALANG GARANTIYA o basehan ang taumbayan na HINDI GAGASTUSIN sa kampanya ng mga kandidato ninyo ang anumang bahagi ng CCT, sa anumang paraan.

Let’s not forget, ladies and gentlemen, that there has NEVER BEEN any detailed accounting of the CCT in the Aquino Government. All we learn about it is what they tell us. NO DOCUMENTS, NO DETAILS. Just their words, period. And they have been INCREASING the CCT budget yearly by the BILLIONS. Lacierda also lambasted calls for lower tax rates as another election gimmick by advocates like BongBong and Martin to garner votes. He said the government needs to review tax reductions.

Pero isipin ninyo ito, mga kababayan: WALANG SINABI si Lacierda na detalye tungkol sa review – sino nagsasagawa nito, kalian sinimulan at kalian matatapos. Basta nire-review, tapos.  Puwes, lalo nang WALA TAYONG GARANTIYA, mga kababayan, na HINDI  KUKUHA  sa BILYUN-BILYON nating pinaghirapang buwis ng panggastos sa kampanya at sa election ang gobyerno ni PNoy. HIRAP NATIN, PASARAP NG IBA.

Kaya PATUNAYAN mo muna, Mr. Lacierda na mayroon at sapat ang malasakit ng PNoy government sa mahihirap. Maglabas ka ng ebidensiya gaya ng KUMPLETONG records ng paggastos ng pondong pang-mahirap tulad ng CCT. Kung WALA kang mailalabas, lalong WALA KANG KARAPATANG UMANGAL kapag nababaatikos kayo. Hindi kayo perpekto, at lalong hindi kayo diyos, na SALITA LAMANG NINYO ay sapat na para maniwala agad ang tao. 30 




4 comments:

  1. Oo nga puro daldal Lang yan Si noynoy. May pinagawa raw e nasaan ....ilabas ang Mga Pangalan at complete address Ng Mga nabigyan Ng CCT. At ipublish. Sa isangvleading newspaper

    ReplyDelete
  2. Siempre KUNG totoo ngang may binigyan kayo yun complete names and addresses. Para paniwalaan na kayo wala na kasing tiwala Sa inyo ang Mga Tao

    ReplyDelete
  3. Hindi pa kasama dyan ang sinasabi ni Soliman na ang malaking halaga ng donasyon ay binigay sa mga International NGOs at bakit??? Paano yang deniposito sa trust account na pondo para sa mga nasalanta ng yolanda? saan pupunta ang interest niyan at sino ang makinabang????

    ReplyDelete
  4. PLEASE STOP the RAMPAMT BUREUACRACY in GOVEMRNET SERVICES INSURANCE SYSTEM

    ReplyDelete