Sa
isang balita sa inquirer.net kahapon, binansagang Santa Cluas si Interior and
Local Government Sec. Mar Roxas para sa mga nakaligtas mula kay Supertyphoon “Yolanda” sa Visayas dahil sa
pamimigay nito ng tulong-pinansyal mula sa gobyerno.
HUWAG
TAYONG PALOKO SA PA-POGI na ito ni Roxas, mga kababayan.
Unang
una: HINDI SARILING PERA ni Roxas ang pinamigay niya, kaya WALANG DAHILAN para
tagurian o ituring siyang Santa Claus ng kahit na sino. PERA NG BAYAN IYUN!
PERA
NATIN, mula sa SARI-SARING BUWIS at iba pang binabayaran natin kapag may
kailangan tayo sa gobyerno.
Pangalawa:
HINDI SI ROXAS ang tumulong kundi ang gobyerno. Kaya nananawagan ako sa ating
mga kababayan sa Visayas na HUWAG MABULAGAN na sI Roxas ang tumulong sa kanila.
Si
Roxas lang ang nagdala ng tulong. Kumbaga, DELIVERY BOY LANG SIYA.
Pangatlo:
OBLIGASYON, o trabaho, ni Roxas na maging bahagi ng pamimigay ng tulong dahil
sa siya ang Interior and Local Government Secretary. At hindi dahil sa ganoon
siya kabait.
Kaya
isipin sana ng
mga kababayan natin sa Visayas na WALA SILANG DAPAT TANAWING UTANG NA LOOB kay
Roxas sapagkat siya ang nagdala ng tulong sa kanila.
HINDI
KO SINASABING BALE-WALA ang tulong-pinansiyal na pinamigay ni Roxas. Walang
kwestiyon na malaking bagay ito sa mga nabigyan.
Pero
kasabay nito ay DAPAT DING IPALIWANAG ni Roxas kung bakit NGAYON LANG
naipapamigay ang pera, halos LIMANG BUWAN NA matapos manalanta at pumatay ng
libu-libong tao si ‘Yolanda.’
BAKIT
HINDI MAS MAAGA?
Kung
nagagawa ng gobyerno ni PNoy na AGAD MAGPALABAS NG DAAN-DAANG MILYON para sa ibang bagay, tulad ng pondo mula SA
DAP noong impeachment trial ni noo’y Chief Justice Renato Corona, bakit hindi magawa para sa mga biktima ni
“Yolanda?’
At
ang mas mahalaga, bakit WALA PANG
MAILABAS NA DETALYADONG ULAT ang gobyerno KUNG SAAN NAPUNTA ang daan-daang
milyon o bilyon na salaping DONASYON mula dito sa Pilipinas at mula sa
IBA-IBANG BANSA para sa mga nasalanta ni ‘Yolanda.”
WALA
TAYONG GARANTIYA, mga kababayan, na ang mga pinamimigay na tulong-pinansyal ng
gobyerno ni PNoy ay hindi galing sa mga donasyon.
Tulad
ng kasabihan natin sa Tagalog, baka GINIGISA NA TAYO SA SARILI NATING MANTIKA.
30
No comments:
Post a Comment