NAPAKASWERTE
ni Janet Lim Napoles.
Siya
na siguro ang PINAKA-MASUWERTENG suspek sa isang super-laking krimen hindi lang
dito sa Pilipinas kundi siguro sa BUONG MUNDO NA!
Isipin
ninyong mabuti, mga kababayan:
Si
Napoles ang itinuturong UTAK (mastermind) ng ‘pork barrel’ scam. HINDI LANG ISA
o DALAWANG TESTIGO ang nagsabi nito.
DETALYADO ang sinabi ng mga testigo at may ebidensiya pa silang pinakita.
Pero
HANGGANG NGAYON, HINDI PA ULIT PINAPATAWAG ng kahit na sino si Napoles para
kwestiyunin o komprontahin sa mga ebidensiya at testimonya laban sa kaniya. Ni WALA TAYONG MARINIG kahit na sino na nagsuggest ng ganito.
Maliban
sa un’at huling pagsipot ni Napoles sa Senado, WALA NANG NAGPATAWAG kahit sino kay
Napoles. KAHIT ISA, WALA. Gayung siya ang itinuturong UTAK ng anomalya.
Pero
iyung mga tumestigo laban kay Napoles, sila ang ILANG ULIT NANG PINAHAHARAP sa
Senado at PAULIT-ULITna tinatanong
tungkol sa kanilang testimonya.
May
ilan na ring ibang tumestigo, tulad nina Ruby Tuason at SDenis Cunanan.
Pero
WALA SILANG BINANGGIT tungkol kay Napoles. Kahit na kung tutuusin ay makakaya
nllang MAGSALITA TUNGKOL DITO DAHIL ALAM NILA, lalo na ni Cunanan ang mga non-government organization
(NGO) na pagbibigyan ng ‘pork barrel’.
Dahil
may records ang tanggapan ni Cunanan nung transaksyon.
Kung
sinu-sino ang PANGUNAHING IDINIDIIN sa kaso. Kahit na ang sinasabing diumano’y
kickback na nakuha ng mga ito ay WALA PA SA 10 PORSYENTO ng ninakaw umano ni
Napoles na P10 BILYON!
Yung
mga taong isinasangkot o UMAMIN NA GINAMIT SILA NI NAPOLES, sila ang
PINAGMUMUKANG NAKINABANG NG HUSTO sa anomalya o mga hindi kapani-paniwala kaya
kalian gang tanungin ng paulit-ulit.
Pero
iyung PINAGMULAN DIUMANO ng nakaw na perang UGAT ng ANOMALYA, HINDI GINAGAMBALA
.
Pag hindi pa UBOD NG SUWERTE ang tawag kay Napoles, ewan ko na!
WALA
akong sinasabing inosente ang kahit na sino.
Basahin munang mabuti ito ng kait na sinong titra agad ng ganung linya
sa akin .
Ang
blog na ito, mga kababayan, ay PAALALA LAMANG SA LAHAT na sin APOLES ang
ITINUTURONGUTAK ng ‘pork barrel’ scam, at hikndi ang ibang akusado. HUWAG TAYONG MAKALIMOT! 30
No comments:
Post a Comment