Sunday, August 25, 2019

WALA KANG MALOLOKO, SANCHEZ!

Image result for antonio sanchez
Wala kang MALOLOKO, former Calauan Mayor Antonio Sanchez, sa sinasabi mong inosente ka sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at sa pagpatay sa kasama nito na si Alan Gomez.

Sinabi mo, Sanchez, na itinapon lamang sa teritoryo mo ang mga bangkay at napagbintangan ka lamang. Pero sa 24 na taon nang pagkakabilanggo mo, KAHIT KAILAN AY WALANG NABALITA na may nailabas kang TESTIGO para patunayan ito.

Ganoon din ang sinasabi mong love triangle ang dahilan ng brutal na mga krimen. WALA ka ring nailabas na testigo o PISIKAL NA EBIDENSIYA NA NAPATUNAYANG TOTOO sa husgado. Sa dami ng pera at koneksiyon mo, IMPOSIBLENG WA;A KANG MAILALABAS NA TESTIGO AT EBIDENSIYA kung totoo ang mga sinabi mo.

DALAWANG DATING TAUHAN MO ANG NAGDIIN sa iyo. At inamin pa nila na kasama sila sa pagkidnap kina Sarmenta at Gomez. IKAW ANG HARI sa teritoryo mo noon kaya’t WALANG SINUMANG MAGLALAKAS LOOB na tumestigo laban sa iyo nang hindi nila kayang patunayan.

Sa nakalipas na 24 na taong pagkakakulong mo, KAHIT KAILAN AY HINDI NAPATUNAYAN NA NAGSINUNGALING ang dalawang dating tao mo. Kahit na noong nakarating na sa Supreme Court (SC) ang kaso. Kaya nga INUPHOLD NG SC ang sintensiya sa iyo at sa mga kasama mong na-convict na pitong habambuhay na pagkakabilanggo.

At panghuli, kahit kailan ay HINDI MAGKAKAROON NG KREDIBILIDAD ang sinumang tulad mo na nahulihan ng SHABU SA LOOB NG IMAHEN ng Mahal na Birhen.

Kaya kung may natitira ka pang kahihiyan, Sanchez, SHUT UP at patuloy ka na lang na humingi ng tawad sa Diyos. KUNG MAY KAHIHIYAN KA PA!
                                                       ***
Nagsimula na po akong magpost ng aking video blog. Makikita po ninyo sa timeline ko. Magustuhan at magsubscribe at ishare po sana ninyo. May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30









No comments:

Post a Comment