Tuesday, August 6, 2019

MALABONG SI FM ANG UTAK SA NINOY SLAY!


Image result for NINOy aquino with bongbong marcos
Dumarami ang mga nakikita kong post tungkol sa pagpatay kay Ninoy Aquino. Kaya BAGO MALOKO ANG SINUMAN, lalo na ang mga kabataan, heto ang tatlong dahilan kung bakit MALABO na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang utak o nasa likod ng naturang pangyayari:

Una: ALAM NA ALAM ni Marcos noon na sa tindi ng atake sa kaniya ni Ninoy, at sa naging galit ng sambayanan na ibinunga nito, SIYA ANG TANGING PAGBIBINTANGAN kapag may nangyaring masama kau Aquino. KATARANTADUHAN, KABOBOHAN na ispin man lamang na gagawa si Marcos ng dahilan para lalong magwala ang taumbayan at mapatalsik siyang bigla.

Pangalawa: Kung gusto ni Marcos na mamatay si Aquino, hindi na sana niya ito pinalaya at pinayagang magpaopera sa Amerika para sa sakit nito sa puso. HInayaan na lamang sana niya na lumala nang lumala si Ninoy.

Pangatlo: Kung ipapapatay ni Marcos si Ninoy, noong nasa America pa lamang ito ay iniutos na niya sana. HINDI SA AIRPORT KUNG SAAN LIBO-LIBONG TAO ANG NAKAABANG SA PAGDATING NI NINOY at maaaring makakitasa mangyayari, o sa mga maaaring masangkot o pagdudahan na opisyales ng gobyerno. Sa layo ng Amerika mula sa Pilipinas, MAS MADALI DING GUMAWA ng drama o istorya para magmukhang kapani-paniwala ang gagawing krimen.

FOR THE RECORD, I’M NOT SAYING MARCOS IS INNOCENT. ONLY A COURT OF LAW CAN SAY THAT.

KATOTOHANAN lamang ang sinulat ko. Kumontra na ang kokontra.
                                                   ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 

No comments:

Post a Comment