Saturday, August 10, 2019

LALO NINYONG GINAWANG CREDIBLE SI ‘BIKOY’!


Image result for bikoy advincula
Lalo nang nagmukhang kapani-paniwala si Peter Jomel ‘Bikoy’ Advincula ngayon matapos na hindi siya harapin ng karamihan sa mahigit 30 na mga inakusahan niyang nasa likod ng diumano’y plano para pabagsakin si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng ginawa niyang “Ang Totooong Narco List” video.

Inakusahan si ‘Bikoy’ na sinungaling ng maram sa mga idinawit niya. Pero sa halip na matakot, SUMIPOT pa rin siya sa preliminary investigation ng kasong sedition at iba pa na isinampa laban sa mga ito sa Department of Justice (DOJ). Marami sa mga tumawag sa kaniyang sinungaling, HINDI NAGPAKITA at mga abogado lamang ang pinapunta.

Ilang beses ko nang naisulat: ANG TUNAY NA INOSENTE, SUSUNGGABAN AGAD ANG LAHAT NG PAGKAKATAON PARA MAPATUNAYANG WALA SIYANG GINAWANG MALI. KOKOMPRONTAHIN AGAD ANG NAGBINTANG. AT MAGDEDEMANDA AGAD!

Lalo pa kung talagang wala namang ebidesiya ang nagakusa. Pero HINDI PA GINAWA ang mga ito kay ‘Bikoy’ ng kahit isa sa mga akusado KAHIT KAILAN.

LUMALALIM  na ang kasong ito, mga kababayan. HUWAG PALOLOKO SA DAMI lamang ng press release ninuman,  lalo pa at WALA namang kasama o mababanggit na PARTIKULAR AT PISIKAL NA EBIDENSIYA.

MAGKAKAALAMAN NA!
                                                  ***
Nagsimula na po akong magpost ng aking video blog. Makikita po ninyo sa timeline ko. Magustuhan at magsubscribe po sana kayo.  May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30

  





No comments:

Post a Comment