Heto ang maliwanag pa sa sikat ng araw na ebidensiya
ng WALANG HIYAAN SA PAGPAPATUPAD NG Good Conduct Time Allowance (GCTA Law o
Republic Act 10592:
Department of Justice (DOJ) Undersecretary
Markk Perete said over 10,000 heinous crime convicts have been released due to
"someone's mistake" in the crafting of law’s implementing rules and
regulations (IRR). “… "kasi
supposedly yung IRR should really follow the law. But someone committed a
mistake in the crafting the IRR and on the basis of that mistake napaboran
yoong prisoners (heinous crime convicts”) (https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/706429/heinous-crime-convicts-included-in-gcta-by-mistake-bucor-exec/story/?headline).
Bakit ko sinabing ebidensiya ng WALANGHIYAAN? BAKIT
HINDI AGAD ITINAMA, AT HINDI PA ITINATAMA HANGGANG NGAYON, iyong pagkakamali? Tiyak
namang HINDI MGA SUPER-DUPER TANGA ang mga abogado at mga boss sa DOJ at sa Bureau
of Corrections para hindi agad mapansin iyong mga mali sa DRAFT PA LAMANG.
At ang GARAPAL, mga kababayan, sa dinami-dami
ng mga kriminal, heinous crime suspects ang NAPABORAN nung mga mali sa IRR. Hindi
iyong mga ordinaryong preso.
KATARANTADUHANG MALAKI para sabihin ninuman na
NGAYON LANG NAPANSIN iyong mga mali sa IRR, kung kalian NAGKAKABUKUHAN NA sa
maagang pagpapalaya ng mga heinous crime convicts. Kahit na malinaw sa batas MULA’T
SAPUL NA HINDI SILA QUALIFIED Si Noynoy Aquino pa ang presidente nang maging
batas ang RA 10592. At MAHIGIT TATLONG TAON na siyang nakababa sa puwesto.
HINDI LANG BUCOR, PATI NA DOJ DAPAT
IMBESTIGAHANB MULA ULO HANGGANG PAA sa mga lumalabas. Kumontra na ang kokontra.
***
Nagsimula na po akong magvideo blog. Makikita
po ninyo sa timeline ko. Magustuhan at magsubscribe at ishare po sana ninyo.
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. At makakatulong po ng malaki
para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all.30
No comments:
Post a Comment