Monday, August 5, 2019

INABSUWELTO NA NI NOYNOY SI MARCOS!


Image result for noynoy aquino with ferdinaND MARCOS
Sinabi ni Noynoy Aquino noong Presidente pa siya na hindi na niya iniutos ang reopening ng pagpatay sa kaniyang ama na si Ninoy dahil napatawad na ng pamilya nila ang mga may kagagawan.

Kung ganoon, INABSUWELTO NA ni Noynoy si dating Pangulo Ferdinand Marcos sa naturang krimen. Paano?

HANGGANG NGAYON, WALA PANG DEKLARASYON si Noynoy o sinuman sa pamilya niya na NAPATAWAD na nila si Marcos. Ipinagpipilitan pa rin nila na si Marcos ang utak o nasa likod ng pagpatay kay Ninoy. Itama ako ninuman agad-agad kung mali ako.

Noong kampanya ng 2016 elections ay nagsalita si Noynoy na gagawin niya ang lahat para huwag makabalik ang mga Marcos sa Malacanang.  Kamakalawa, nagpasalamat si Kris Aquino kay Pangulong Digong Duterte sa nasabi nito na namatay si Ninoy sa kamay ni Marcos.

Kaya dahil HINDI PA NAPAPATAWAD ni Noynoy at ng pamilya niya si Marcos, IBIG SABIHIN AY HINDI SILA NANINIWALA na may kinalaman ang dating Pangulo sa pagpatay sa kanilang ama.

Tiyak din namang HINDI TATANGGAPIN ni Noynoy at ng pamilya niya na IPOKRITO O DOBLE KARA SILA.  Kumontra na ang kokontra.
                                              ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 








No comments:

Post a Comment