DESPERADO NA sa atensyon, sa kahit kapirasong
papuri, ang mga lider ng Oposisyon at anti-Duterte groups.
Pati si Sen. Manny Pacquiao at ang
pagboboksing nito, inatake na. Na kesyo hindi naman nakakatulong ito para
malutas ang mga problema ng bansa, lalo na ang kahirapan. Na kesyo ang tunay na
laban ay nasa labas ng boxing ring.
Samantalang noong sila ang mga hari sa
gobyerno, noong nakaraang administrasyon, WALA KAHIT ISA sa kanila na
nagreklamo tungkol sa pagbo-boksing ni Pacquiao.
MGA PLASTIC! Pinatunayan lang ninyo na alam
ninyo na GALIT NA ang nakararami sa sambayanan sa inyo. Na KAYO-KAYO LAMANG na
magkakakosa ang PUMUPURI O SUMUSUPORTA sa mga atake ninyo laban sa gobyerno, o
sa mga press release ninyo na makabayan/makamahirap kayo. Para magmukha kayong
mga tunay na nagmamalasakit, lalo pa sa mga mahihirap.
Sino isusunod ninyo, si Mayor Isko Moreno? He
he he he….
KAYO-KAYO na lang at ng mga empleyado o
galamay ninyo ang MAGLOKOHAN! MAY ISIP KAMING NAKARARAMI sa sambayanan. AT
NAGIISIP KAMI!
***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.
Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng
malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang
mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God
Bless us all.30
No comments:
Post a Comment