Wednesday, June 21, 2017

SI LENI ANG DAPAT MAGBAYAD, MACALINTAL!

Image result for leni robredo with bongbong marcos

21 June 2017

Si Leni Robredo ANG DAPAT MAGBAYAD NG LAHAT ng nagiging gastos sa maintenance ng vote counting machines habang hindi pa nadedesisyunan ang protesta ni Bongbong Marcos laban sa kaniya. Anumang PANLOLOKO AT KAPAL NG MUKHA ang gawin at pairalin ni Leni at ng abugado niyang si Romy Macalintal, makikita sa records na SILA ANG NAGPAPATAGAL sa protesta at hindi si Bongbong.

Halos lahat, kundi man LAHAT, ng hakbang ni Bongbong para MASIMULAN NA ANG TRIAL ng protesta sa lalong madaling panahon ay HINAHARANG NI LENI AT MACALINTAL. Samantalang pinagpipilitan nilang hindi nandaya o walang dayaan naganap para manalo si Leni. Sa lahat naman ng malinis ang panalo, si Leni ang TANGING NILALABANAN ang lahat ng paraan para AGAD NA MAPATUNAYAN na hindi siya nandaya.

Ilang halimbawa: Tulad ng alam nating lahat, BAYAD NA si Bongbong sa down payment ng kaniyang vote recount fee. Pero alam ba ninyo kung bakit hindi pa sinisimulang ipunin at dalhin ang mga balotang sakop ng kaniyang protesta sa Presidential Electoral Tribunal (PET)? Dahil KINUKUWESTIYON NA ni Macalintal ngayon pa lamang kung dapat nang gawin ito agad, KAHIT NA MAY PAUNANG BAYAD NA si Bongbong.

Nagpetisyon si Bongbong sa PET para masimulan na ang decrypting at printing ng mga images ng mga balota na sakop ng kaniyang protesta, para MAPABILIS ang pagtalakay sa mga ito sa trial. Nilalabanan din ito ng kampo ni Leni.

Ilang buwan nang HINDI GUMAGALAW ang protesta ni Bongbong pero HINDI NAGSAMPA ng counter-protest si Leni. Pero bago o ilang araw matapos magdesisyon ang PET na tuloy na ang protesta ni Bongbong, saka biglang may kontra protesta na si Leni. Bukod pa rito ang isang motion for reconsideration, na natural ay dapat munang desisyunan ng PET bago ang lahat.

Isa o dalawang araw matapos madiskubre ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server, nagreklamo na agad si Bongbong at hiniling sa Comelec ang agad na paglalantad at examination nito ng mga eksperto sa probadong sektor. Pero HANGGANG NGAYON, ayaw ipakita ng Comelec. At si Leni, HANGGANG NGAYON DIN, AY WALANG GINAGAWA O SINASABI para magkaalaman na sa kung ano talaga ang ginawa ng Smartmatic.


Lahat ginagawa ni Bongbong para masimulan na ang trial ng kaniyang protesta at madesyunan ito. Lahat nilalabanan ni Leni at Macalintal. Pero para sa kanila, si Bongbong pa rin ang dapat magdusa, ang magastusan. Saan kaya humuhugot ng kapal ng mukha ang magamong ito? 30

3 comments:

  1. MAKAPAL TALAGA ANG PAGMUMUKHA NI LENITHIEFOFTHENIGHT at ni MACALINTAL...TAUMBAYAN ANG DINAYA AT PINAGLOLOKO!ANG TINGIN NILA AY MANGMANG AT KAYANG PAIKUTIN LAHAT!Kahit ano pang gawin ni Macalintal, BISTADO NA ANG MALAWAKANG DAYAAN. #LENIFRAUDREDO FAKE VP!

    ReplyDelete
  2. If there was really no cheating during the elections, why is Robredo, Macalintal, etal objecting to the recount?

    ReplyDelete