20 June 2017
Here’s an excerpt from my booklet “Ang
Impiyerno sa Lupa: DROGA!” on the role of parents in the fight against illegal drugs:
PARA MAS LUMAWAK AT MAGING EPEKTIBO ANG
PAGSUGPO NG DROGA, ANG BAWAT SEKTOR NG LIPUNAN AY MAY KANI-KANIYANG PAPEL NA
MAAARING GAMPANAN.
MAGULANG:
Lumikha ng maganda at mabting pagtitinginan
sa pamilya. Ipagkapuri at ipagmalaki ang inyong mga anak sa kanilang mga
tagumpay o pagkilala (recognition) na tatanggapin sa eskuwela o trabaho.
Maging handing makinig o dumamay anumang oras
kung may ilalapit o ipagtatapat sila sa inyong problema. Kung kinakailangan ay samahan
sila sa paglutas ng problema. Saluhan sila sa tagumpay man o kabiguan.
Alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa mga
ipinagbabawal na gamot at ipabatid ang mga ito sa inyong mga anak sa isang
tapat na talakayan o discussion. Magbasa o magtanong-tanong tungkoll sa
problema sa droga sa inyong lugar o sa buong bansa at hikayatin ang inyong mga
anak na sumama sa inyo.
Ang Philippine Drug Enforcement Agency,
Philippine National Police, Dangerous Drugs Board at mga lokal na anti-drug
abuse councils ay may mga malalawak na library tungkol sa droga.
Iwasan ang sobra-sobrang sermon o pangangaral.
Panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kanila Subalit tiyakin ang
pagpapatupad ng inyong sariling mga regulasyon laban sa droga sa loob ng
tahanan.
Ipakita sa pamamagitan ng inyong sariling
halimbawa na ang masayang buhay ay hindi nangangailangan ng droga. Subalit oras
na matuklasan ninyong may addict sa pamilya ay agad na ipagamot ito. Ang isang
addict ay ipaglalaban ang kaniyang mga kapuwa addict. Subalit agad siyang
matatauhan sa sama-samang paliwanag at pagmamahal ng buong pamilya. Huwag na huwag pabayaang lumala muna siya..
Engganyuhin o iencourage ang inyog mga anak
na tumuklas ng mga bagong larangan o interes na mabuti sa kalusugan ng katawan
at isip.
Pagsikapan ninyong makilala ang mga kaibigan
ng inyong mga anak at patnubayan sila sa sa pamimili ng mga kakaibiganin pa. Kaugnay
nito, makipagugnayan sa mga magulang ng mga kaibigan ng inyong mga anak upang
kayong lahat ay makapag-palitan ng inyong mga nalalaman hinggil sa droga. Magpalitan din kayo ng impormasyon hinggil sa
mga pusher, addict at bentahan ng droga sa inyong mga kapaligiran.
Para mas epektibo, magtayo kayo ng samahan at
sama-sama ninyong pangaralan sa isang kalmado at mapag-paalalang paraan ang
sinumang kabataan na gumagamit ng droga. Suportahan ang isa’t-isa kung
iintrigahin kayo ng mga pusher o addict upang mawasak ang inyong samahan.
No comments:
Post a Comment