SMARTMATIC'S MARLON GARCIA |
11 June 2017
Sama-sama na nating BANTAYANG MABUTI ang
Comelec at ang Smartmatic, mga kababayan. Mala-Philippine Marines na
pagbabantay sa LAHAT ng kanilang gagawin mula ngayon.
Pansinin ninyo: Mula nang lumabas sa media
ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan sa korte ang lahat ng
kasangkot sa hindi-awtorisadong pagbabago sa script ng transparency server
noong 2016 elections, WALANG ANUMANG NABALITANG PAGKILOS O PAHAYAG ang Comelec
at Smartmatic na HAHARAPIN NILA NG MAAYOS ang magiging kaso. Itama ako ninuman
kung mali ako.
WALANG PAHAYAG ang Comelec at Smartmatic na
WALANG AALIS sa kani-kanilang mga tauhan na kasama sa makakasuhan. WALA ring
nababalitang gumawa na sila ng hakbang para MATIYAK ITO. Kung matatandaan
ninyo, mga kababayan, isang engineer na ng Smartmatic na kasama sa usapn, si
Mauricio Herrera, ang NAKATAKAS ilang buwan na ang nakalilipas.
AYAW pa rin IPAKITA AT IPAEKSAMIN ng Comelec
sa mga taga pribadong sektor. ang hindi awtorisadong pagbabago na ginawa ng
Smartmatic sa script ng transparency server, kahit MAHIGIT ISANG TAON NA
matapos ang pangyayari Gayon din ang Smartmatic.
At bukod sa server script, halos WALA RING
NABABALITA kung ANO NA ANG NANGYARI sa iba pang POSIBLENG ebidensiya ng dayaan na
nasa pangangalaga ng Comelec. Tulad ng mga SD cards na NAKITAAN NG LAMAN matapos ideklara ng Comelec na HINDI NAGAMIT
noong halalan, at sa mga kagamitan na sakop ng protesta ni Bonbgbong Marcos
laban kay Leni Robredo na ‘nabagsakan’ kuno ng kisame sa warehouse ng Comelec
at Smartmatic.
Walang kukurap, mga kababayan. Baka maraming
MAGLAHO, baka MABIGLA na naman tayo.30
No comments:
Post a Comment