Friday, March 27, 2015

PNOY'S ;LIES, ARROGANCE, HYPOCRISY IN PUSHING BBL!

PNoy addressed the nation this afternoon to PRACTICALLY RAM the proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) down our throats, or should I say heads, Look at the LIES, ARROGANCE AND HYPOCRISY behind his  claims:

Sabi ni PNoy, ang proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) ang susi sa permanenteng kapayapaan sa Mindanao. PERO INAMIN  rna rin ni chief government peace negotiator Miriam Coronel Ferrer NA HINDI 100  PORSIEYNTONG GARANTISADO na matatahimik na nga ng lubusan ang Mindanao kapag ipinasa ang BBL. Kaya ang tanong: SINO SA INYO ANG SINUNGALING AT SINO ANG HINDI?

Sabi ni PNoy, isang taon pa lang ang nakalipas ay tila nalimot na ang pag-asang naramdaman at sa halip napalitan ito ng kawalan ng tiwala, ng di makatwirang pagdududa, at ng galit.  WALANG NAGSASABING WALA ng pagasa ang HIGIT SA NAKARARAMI sa mga Pilipino na magkakaron ng permanenteng  kapayapaan sa Mindanao. Itama ako ng kahit na sino kung mali ako.

Hindi makatwirang pagdududa? MINASAKER at NNAKAWAN pa ang SAF 44 ng kanilang mga armas at kagamitan. Mahigit 20 sa kanila, kahit buhay pa ay BINARIL PA SA ULO PARA MASIGURONG HINDI NA MABUBUHAY. Derechahan nang inihayag ng MILF na hindi nila isusuko ang mga killer. Namuhay ang international terrorist na si Marwan, may bahay pa nga tulad ng nakita nating lahat, sa TERITORYO NILA na hindi naman kasing-laki ng buong Mindanao o ng isang siyudad para hindi nila malamang doon nagtatago ito. Saan mang anggulo tingnan, hindi ito gawain ng isang MATINONG KAUSAP PARA SA KAPAYAPAAN.  KAKAMPI LAMANG NG MILF, at ng TERORISMO, ang magsasabi ng kabaligtaran. Galit? SANTO AT SANTA LAMANG, O NASISIRAAN NA NG BAIT, ang hindi pa rin magagalit sa ganitong sitwasyon at mga gawain.

At tulad ng dati, NANISI NA NAMAN at NAGYABANG si PNoy. Nagsimula daw an gulo sa Mindanao noong panahon ng diktadurya, na obviously ay patama kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Idinagdag  pa niya na :”Sayang nga po dahil walang nakaisip na kung pang-aabuso sa batas ang naging ugat ng problema, makatwiran at makatarungang batas ang dapat lumutas dito."  Kumbaga, GOBYERNO NIYA LANG ANG NAKAISIP KAYA SILA LANG ANG MAGALING. Pero WALA SIYANG IBINGAY NA ANUMANG DETALYE –PANGALAN NG MGA NAGSIMULA NG GULO SA MINDANAO, PETSA, SAANG LUGAR NAGSIMULA, ETC, --  sa kaniyang  paninisi at pagyayabang.

Mga pro-Marcos, pwde kayong sumagot. At uunahan ko na ang mga titira s aakin, HINDI AKO EMPLEYADO ng mga Marcos. Maaaring  iverify ninuman saanman anumang oras. 30









No comments:

Post a Comment