Tuesday, March 3, 2015

BINALE-WALA NA ANG SAF 44!

BINALE-WALA NA ng gobyerno ni PNoy ang SAF 44.

Mahigit isang buwan na matapos silang IMASSACRE ng mga miyembro ng MILF at BIFF, WALA NANG MARINIG o makita mula sa gobyerno ni PNoy na anumang hakbang para mahuli at maparusahan ang kanilang mga killer.

WALANG DEMAND O PRESSURE sa MILF para isuko ang mga killer, at maisoli ang mga NINAKAW na kagamitan at personal na pagaari ng SAF 44. Sa halip ang MILF pa ang PILIT NA PINASASAYA ng  PNoy government SA LALONG MADALING PANAHON. Hindi lang KINUKULIT ng PNoy government ang Senado at House of Representatives na ipasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL), TINANINGAN PA ang mga senador at congressmen ng hanggang Hunyo 11 lamang. Ganiyan KADESPERADO ang gobyerno ni PNoy na maibigay ang gusto ng MILF.

Kahit na nagsalita na ang mga pinuno ng MILF na HINDI NILA ISUSUKO ang mga NAGMASAKER sa SAF 44, at NAGMUKHANG TANGA AT DUWAG na si  PNoy dahil IISANG GRUPO LAMANG, na HINDI NAMAN KUMAKATAWAN SA lahat ng grupo sa Mindanao, HINDI NIYA MAPASUNOD kahit na siya ang presidente ng bansa.  

At kahit na WALA PA naman ang autonomy at iba pang pribiliheyo na nakapaloob sa BBL, at nangangahulugan lamang na SAKOP PA NG LAHAT NG BATAS ng bansa ang MILF at ang mga teritoryong kontrolado ng mga ito. BINALE-WALA na nga siya at ang gobyerno niya, si PNoy pa rin ang para pang DAGANG NANGINGINIG SA TAKOT SA PUSA na halos puwersahin na ang mga senador at congressman na ipasa na ang BBL.

HINDI KATARUNGAN para sa kabayanihan ng SAF 44 ang mahalaga kay PNoy. Ang MILF ang MAS IMPORTANTE.  Kahit na WALA NAMANG MALINAW NA GARANTIYA na tatahimik ang Mindanao kapag nakuha ng MILF ang lahat ng gusto nila. Sa mga panatiko ni PNoy na hihirit, isipin ninyo ang mga ito:

Una: BIFF LANG, HINDI NA MAKONTROL ng MILF. Kinailangan pa silang tulungan ng mga sundalo mula sa Philippine Army sa naging engkwentro nila sa mga ito kamakalian. Pangalawa: May iba pang armadong grupo sa Mindanao bukod sa MILF at BIFF, Kabilang sa mga ito ang grupo ni Nur Misuari ng MNLF. Itama ako ninuman kung mali ako pero WALA  pang idinideklarang lubos na pagsuporta at pagsunod sa MILF ang iba pang armadong grupo dahil sa BBL. Kaya’t ano ang 100 porsiyentong kasiguraduhan na matatahimik na ang Mindanao sa pamumuno ng MILF? Isipin ninyo, mga kababayanm lalo na kayong mga kasamahan ng SAF 44, ang lahat ng ito. 30



No comments:

Post a Comment