Monday, March 2, 2015

KAHIBANGAN, KAPLASTIKAN NI KRIS A. !



NAHIHIBANG O NAGPAPAKA-PLASTIC na si Kris Aquino.

Sa isang istorya sa inquirer.net, sianbi ni Kris na: “…buong tapang kong ipamumukha na hindi nila kami mabubuwag. Pamilya kaming nagmamahalan.”  SNO BA MAY SABI na pamilya nila ang binubuwag? SI PNOY LANG ang gustong buwagin sa pagka-Pangulo ng mga humihiling na magresign siya. Hindi ang pamilya Aquino. WALANG NAGSASABING ‘PAMILYA AQUINO, MAGRESIGN NA KAYO!’ Itama ako ninuman kung mali ako. Kaya ANO ANG PINAGSASASABI ni Kris?

Pinagmalaki rin ni Kris na si PNoy ay “tapat, maka-tao, hindi mapang-abuso, humble, sincere, trustworthy… inalagaan at pinalago niya ang kaban ng bayan. Walang binulsa. ”  Isa-isahin natin, mga kababayan:

Tapat?  Ang UNANG DEKLARASYON ni PNoy tungkol sa naging papel ni dating PNP chief Alan Purisima sa Mamasapano operation ng PNP-SAF ay kasama lang ito hanggang sa suspendihin ng Ombudsman noong Disyembre. Pero inamin rin ni Purisima bandang huli na HANGGANG NOONG ENERO 9 ay kasama siya sa naging pulong tungkol sa  operation sa Malacanang. At siya rin ang unang nagtext kay PNoy noong Enero 25 para ipaalam na nagsimula na ang  operation at n agkakabakbakan na. Inamin na rin ni dating PNP-SAF Director Getulio Napenas na kay Purisima siya nagrereport tungkol sa Mamasapano hanggang sa araw mismo ng msyon. Maliwanag pa sa sikat ng araw na NAGSINUNGALING SI PNOY. Kaya ANONG KATAPATAN ang sinasabi ni Kris?

Hindi nagbulsa? Magtatanong lang ako, HINDI MAGAAKUSA. Saan ginastos o ginagastos ni PNoy ang BILYUN-BILYON na sari-sari niyang pondo taun-taon, tulad ng calamity fund, social fund at intelligence fund? TAON-TAON kung makuha ni PNoy ang mga pondo niya, na TANGING SIYA LAMANG ang puwedeng gumastos. Pero mula noong maging President siya, KAHIT MINSAN AY WALA siyang inilabas na ulat sa publiko kung saan-saan napupunta ang mga salaping ito.

Maka-tao? Tumama si super typhoon ‘Yolanda’ sa Leyte at iba pang lugar sa Visayas. Agad ay naiulat na UBOD NG DAMI ang nasawi at dumarami pa. Pero ILANG ARAW (kung tama ang pagkakatanda ko ay isang linggo) nang nakaalis si ‘Yolanda’ at NAGDURUSA AT NAGLULUKSA ang mga taga-Leyte BAGO NAGPAKITA DOON SI PNOY. Sa Mamasapano, 44 na PNP-SAF commandoes ang minasaker pero TATLONG ARAW pa pagkatapos ng makahayop na krimen bago nagpakita at nagsalita si PNoy. At hanggang ngayon, MAHIGIT ISANG BUWAN na ang nakakalipas, WALANG GINAGAWA si PNoy para mapilitan ang MILF na isuko ang mga killer. MAHIGIT 20 TAON na ang  nakalilipas mula nang maganap ang massacre sa  Hacienda Luisita at sa Mendiola Bridge, noon gang nanay niyang si Cory ang presidente. Pero WALA KAHIT ISANG NAPAPARUSAHAN hanggang ngayon, at WALA ring ginagawa si PNoy para mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Pro para kay Kris, maka-tao pa si PNoy ng lagay na iyan.

Trustworthy o mapagkakatiwalaan?  Noong panunungkulan ni dating MRT general manager Al Vitangcol, ang budget para sa maintenance ay  mahigit P500 MILYON ISANG TAON. Pro tulad ng alam na nating lahat, MALALA AT DELKADO na ang kalagayan ng MRT ngayon. Pero HINDI PINAKASUHAN O PINAIMBESTIGAHAN man lang ni PNoy si Vitangcol. Sa DSWD, ILANG ULIT nang naiuulat na DAAN-DAANG MILYONG PISO sa pondo para sa conditional cash transfer (CCT) ang hindi pa maipaliwanag kung saan napunta. Pero KAHIT MINSAN, HINDI PINAIMBESTIGAHAN O PINAGPALIWANAG ni PNoy si DSWD Sec, Dinky Soliman. Sa halip, DINADAGDAGAN PA TAON-TAON ang pondo para sa CCT. Hanggang ngayon din, WALANG MAKAPAGBIGAY NG KUMPLETONG KWENTA O ULAT  kung saan ginastos o saan napunta ang BILYUN-BILYONG DONASYONG PERA at goods, at ang humigit-kumulang na P14 o P25 BILYONG dagdag budget mula sa gobyerno, para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda.’  At WALA RING PINAIMBESTIGAHAN MAN LAMANG si PNoy para malaman ang katotohanan. Pero para kay Kris, mapagkakatiawalaan pa ng lagay nay an ang kapatid niya.


Kayo na ang humatol, mga kababayan. 30

1 comment:

  1. Damage Control is Kris Aquino's emergency control of situations that may cause sinking of PNoy and prevent further aggravating hatred & anger towards her brother.

    ReplyDelete