LIWANAGIN
lang nating mabuti:
Kahit
na nakatulong sa tao kuno ang mga proyektong pinondohan ng Disbursement
Acceleration Program (DAP), WALA TAYONG DAPAT IPAGPASALAMAT kay PNoy o sinuman
sa mga kakampi niya sa Senado o sa House of Representatives.
Lalong
WALA TAYONG DAPAT TANAWING UTANG NA LOOB sa kanila, o sa sinumang miyembro ng
Cabinet o opisya;l ng gobyerno.
Dahil
TRABAHO NILA ang TUMULONG sa atin, sa Sambayanan.
HINDI
SILA IBINOTO para lamang MAGPASARAP O MAGPASASA SA PERA NG BAYAN, para gawin
kung ano lamang ang gusto nila o maisipan nila.
Ganun
din sa mga opisyal ng gobyerno na itilalaga ni PNoy.
TUNGKULIN
NILA na magpatupad ng mga proyektong magpapagaan sa, at magtataas ng, kalidad
ng buhay nating mga mahihirap; na makakabawas sa mga dinaranas nating pasaning
bayarin at iba pang sila lamagn ang makakalutas; na makapagtatama sa mali .
At
HINDI IYUNG IPINAGPIPILITAN NILA ANG MALI tulad ng ginagawa nila ngayon
sa DAP/
Kaya’t
WALANG DAPAT MABULAGAN, O MALOKO, ng gobyerno ni PNoy na pasalamat tayo dahil
sa DAP at nagkaroon ng mga proyektong napondohan nito at nakatulong kuno sa
iba.
Na
dapat natin siyang suportahan sa kaniyang pagpupumilit na maip[agpatuloy ito,
kahit na itio ay ILEGAL ayon sa Korte Suprema.
At
para mga hindi nakakaalam, sa ilalim ng ating batas, ang Korte Supreme ang
TANGING MAY KAPANGYARIHAN PARA MAGDESISYON kung ang isang bagay ay LABAG SA
BATAS o hindi.
HINDI
SI PNOY, O SINUMANG SENADOR O CONGRESSMAN, o opisyal ng gobyerno.
Hindi
ako abugado pero buong lakas ng loob kong uulitin na WALANG BATAS na nagpapahintulot
na LABAGIN NINUMAN ANG ANUMANG BATAS kung kabutihan naman ng iba ang pakay
niya.
Sa
mga PATULOY NA MAGPAPALOKO AT MAGPAPAKABULAG kay PNoy at sa mga galamay niya,
SIGURADUHIN lang ninyo ang dalawang bagay:
Una:
HUWAG KAYONG MAGREREKALMO O AANGAL kapag kalaban na ni PNoy ang lalabag sa
batas dahil mayroong gustong matulungan o para sa kabutihan ng nakakarami ang
pakay niya.
Manguna
rinkayo sa pagtatanggol sa taong iyun, tulad ng ginagawa ninyong pagtatanggol
kay PNoy ngayon. Iyun ay kung alam ninyo ang ibig sabihin ng pagiging PAREHAS.
Pangalawa:
SIGURADUHIN ninyong HINDI NINYO SISISIHIN ang sinumang kalaban o kinamumuhian
ni PNoy sa ibubunga ng susunod na KAPALPAKAN O ILEGAL na gagawin niya, o nang
sinumang alipores niya.
Dahil
kung hindi, KAAWAAN NAWA NG DIYOS, NG ATING INANG MAHAL NA BIRHEN MARTIA, at ng
lahat ng santo at anghel sa langit, ang Pilipinas.30
No comments:
Post a Comment