Saturday, September 28, 2019

BALANSE NG BBM PROTEST FEE, ISOLI


Image result for images for bongbong marcos
May nagbulgar sa akin kanina lamang na HANGGANG NGAYON, HINDI pa rin daw bayad si Leni Robredo sa counter-protest niya laban kay Bongbong Marcos. Itama agad ako ninuman kung mali ito.

Pero anuman ang totoo, higit kailanman ay DAPAT NANG ISOLI MUNA kay Bongbong ang balance ng protest fee niya laban kay Robredo. Sa mga hindi pa nakakaalam, humigit-kumulang sa pitong buwan nang BAYAD NG BUO si Bongbong. At ON TIME siya nakabayad.

Inabot rin lang ng six months ang recount ng TATLONG PROBINSIYA PA LAMANG, AT HINDi natin malamang ILANG LINGGO O BUWAN PA ULIT bago maglabas ng desisyon ang Presidential Electoral Tribunal (PET), DAPAT LAMANG na ibalik muna kay BBM ang natitira sa P60-million plus na protest fee niya.

Hindi pa sinisimulan ang recount, PINAGBAYAD NA SIYA NG BUO ni protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Tapos, seven months na, WALA PA SA 10 PERCENT man lamang ang natatapos sa trabaho.

TARANTADUHAN, GARAPALANG PANG-AAGRABYADO ITO kay Bongbong.

Wala tayong garantiya, mga kababayan, na HINDI PA NANANAKAW O NAGAGAMIT ninuman ang balance ng protest fee para sa pansariling interes lamang.

Kung hindi isosoli ang balance, dapat na PAGBAYARIN NA NG BUO ni Caguioa si Robredo. At kung bayad na ng buo ay ipakita sa sambayanan ang resibo, tulad ng ginawa ni Bongbong.

Siguro naman ay USO PA KAY CAGUIOA ANG PAREHAS NA LABAN!
                                                ***
Walang katapusang pasasalamat sa mga patuloy na nanonood at nagshe-share ng aking video blog. Makikita ho ninyo ang ilan sa timeline ko sa Facebook. Sa mga hindi pa nagsusubscribe, bigyan sana ninyo ako ng pagkakataon. Welcome ho ang sinuman na magsuggest ng topic. God Bless us all! 30



No comments:

Post a Comment