May nagbulgar sa akin kanina lamang na HANGGANG
NGAYON, HINDI pa rin daw bayad si Leni Robredo sa counter-protest niya laban
kay Bongbong Marcos. Itama agad ako ninuman kung mali ito.
Pero anuman ang totoo, higit kailanman ay DAPAT
NANG ISOLI MUNA kay Bongbong ang balance ng protest fee niya laban kay Robredo.
Sa mga hindi pa nakakaalam, humigit-kumulang sa pitong buwan nang BAYAD NG BUO
si Bongbong. At ON TIME siya nakabayad.
Inabot rin lang ng six months ang recount ng
TATLONG PROBINSIYA PA LAMANG, AT HINDi natin malamang ILANG LINGGO O BUWAN PA ULIT
bago maglabas ng desisyon ang Presidential Electoral Tribunal (PET), DAPAT LAMANG
na ibalik muna kay BBM ang natitira sa P60-million plus na protest fee niya.
Hindi pa sinisimulan ang recount, PINAGBAYAD NA
SIYA NG BUO ni protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Tapos,
seven months na, WALA PA SA 10 PERCENT man lamang ang natatapos sa trabaho.
TARANTADUHAN, GARAPALANG PANG-AAGRABYADO ITO kay
Bongbong.
Wala tayong garantiya, mga kababayan, na HINDI
PA NANANAKAW O NAGAGAMIT ninuman ang balance ng protest fee para sa pansariling
interes lamang.
Kung hindi isosoli ang balance, dapat na PAGBAYARIN
NA NG BUO ni Caguioa si Robredo. At kung bayad na ng buo ay ipakita sa
sambayanan ang resibo, tulad ng ginawa ni Bongbong.
Siguro naman ay USO PA KAY CAGUIOA ANG PAREHAS
NA LABAN!
***
Walang katapusang pasasalamat sa mga patuloy na nanonood at
nagshe-share ng aking video blog. Makikita ho ninyo ang ilan sa timeline ko sa
Facebook. Sa mga hindi pa nagsusubscribe, bigyan sana ninyo ako ng pagkakataon.
Welcome ho ang sinuman na magsuggest ng topic. God Bless us all! 30
No comments:
Post a Comment