Ginawan ko na ito ng video blog kahapon pero
may mga nagmamagaling na nagmura at nanginsulto agad ng obvioiusly hindi pinanood
muna ang video. Kaya again, para sa kaalaman ng lahat:
Ibinunyag ng isa kong dating impormante noong
nasa media pa ako na WALANG ANUMANG NAKITANG EBIDENSIYA na nandaya o gumawa ng
anumang bawal si Bongbong Marcos o ang kampo niya sa naging initial recount ng
mga botong sakop ng protesta niya laban kay Leni Robredo.
Ayon sa aking impormante, ito ang dahilan kaya
may ilang justices ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na agad nagpahayag
ng dissent o hindi pagsangayon sa draft decision ni protest supervising Justice
Alfredo Benjamin Caguioa na malinis ang panalo ni Robredo.
Dahil nga marami sa nadiskubre nang pisikal na
ebidensiya ng pandaraya ay nasa teritoryo ni Robredo na Camarines Sur. Tulad ng
basa, punit-punit, amoy kemikal at may mga paso ng sigarilyong mga balota; PEKENG RESULTA ng halalan na
tinransmit sa Ragay sa CamSur ISANG ARAW PA bago ang aktwal na botohan, at mga
NAWALA NA REQUIRED documents sa mga ballot
box na sapilitang binuksan.
“At tulad ng alam na ng madla, kahit isa mga
pandaraya ay WALANG NABALITANG INAKSIYUNAN (emphasis mine) o inaaksiyunan si Caguioa hanggang ngayon,” dagdag pa ng dati
kong impormante.
Kaya Caguioa, ILABAS MO NA ANG RESULTA NG
RECOUNT. At ang anumang aksiyon na ginawa mo na, KUNG MERON MAN, sa mga nabisto
at napatunayan nang dayaan.
Kung WALA KANG NAGING AKSIYON, huwag mong
asahang maaawa at paniniwalaan ka ng sambayanan anuman ang sabihin mo for the
rest of your life.
***
Walang katapusang pasasalamat sa mga patuloy na
nanonood at nagshe-share ng aking video blog. Sa mga hindi pa nagsusubscribe,
bigyan sana ninyo ako ng pagkakataon. Welcome ho ang sinuman na magsuggest ng
topic. God Bless us all! 30
Let the justice prevail Kong sino ang nandaraya.
ReplyDeleteNanggulo lng mga dilawan na Yan...c BBM pa daw nandaya..liars go to hell
ReplyDelete