Saturday, September 7, 2019

MAGLAKAD KA NA SA EDSA, GRACE POE!


Image result for images for grace poe

Dapat nang magsimulang maglakad ni Grace Poe sa EDSA bilang pangontra niya sa traffic.

Tutal, siya ang nagsabi niyan bilang solusyon nang patuloy niyang hindi suportahan ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Digong Duterte sa isang hearing sa Senado kamakailan tungkol sa krisis sa traffic.

At WALA naman siyang nababalitang iba pang rekomendasyon para malutas o mabawasan man lamang ang problema. Itama ako ninuman agad-agad kung mali ako.

Kaya sabi nga sa Ingles, put your money where your mouth is Ms Poe.

Kundi man buong EDSA ay kahit na ilang kilometro lamang. Maglakad ka HABANG HEAVY TRAFFIC sa EDSA, ha. Iyon talagang halos HINDI NA GUMAGALAW ang mga sasakyan  Iyong hindi masukat na dami ng alikabok o usok ng sasakyan ang masasagap/maaamoy mo. Pati na ang  init ng araw o ulan. At wala kang alalay na magpapayong o magaaabot sa iyo ng anumang kailangan mo.

Kapag nagawa mo iyan, Ms Poe, tingnan natin kung mauulit mo pang irekomenda ang paglalakad sa EDSA bilang pangontra sa traffic. At kung hindi ka magkakasakit o uubuhin man lamang dahil sa polusyon.

Kung uulitin mo ang rekomendasyon mo, tiyakin mol ang na may MASASABI KANG DETALYADO at magandang epekto sa katawan. Kung WALA kang mababanggit na anumang BENEPISYO sa health, SHUT UP. For your image’s sake.
                                                    ***
Nagsimula na po akong magvideo blog. Makikita po ninyo sa timeline ko. Magustuhan at magsubscribe at ishare po sana ninyo. May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30
  


2 comments:

  1. Ewan ko ba kung bakit nahalal yan si Grace Poe as Senator siguro hanggang duon na lang ang level ng utak nito baka nang nag aaral ito ay laging nasa row 4, mismong pamangkin niya si Sheryl Cruz ay walang bilib sa kanya at sinabi pa she's not qualified to run as president, dahil kumandidato siya nuon May 2016. Walang alam ito kundi kumontra wala naman siyang ma suggest na solution, akala siguro niya basta naka kontra siya OK na yun , hindi niya alam ang pinahihirapan niya ay ang taong bayan, naghahanap nga ng solusyun si DU30 kaya humihingi siya ng emergency power para pati mga private roads at land ay magamit para mabawasan ang traffic.

    ReplyDelete
  2. Eh!,di magsama sila ni Edcel Lagman na mahilig din mag-kontra sa mga panukala para sa kabutihan ng naka-karami...palakpakan sila !!!

    ReplyDelete