PNoy
addressed the nation this afternoon to PRACTICALLY RAM the proposed Bangsamoro
Basic Law (BBL) down our throats, or should I say heads, Look at the LIES,
ARROGANCE AND HYPOCRISY behind his
claims:
Sabi
ni PNoy, ang proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) ang susi sa permanenteng
kapayapaan sa Mindanao . PERO INAMIN rna rin ni chief government peace negotiator
Miriam Coronel Ferrer NA HINDI 100
PORSIEYNTONG GARANTISADO na matatahimik na nga ng lubusan ang Mindanao
kapag ipinasa ang BBL. Kaya ang tanong: SINO SA INYO ANG SINUNGALING AT SINO
ANG HINDI?
Sabi
ni PNoy, isang taon pa lang ang nakalipas ay tila nalimot na ang pag-asang
naramdaman at sa halip napalitan ito ng kawalan ng tiwala, ng di makatwirang
pagdududa, at ng galit. WALANG
NAGSASABING WALA ng pagasa ang HIGIT SA NAKARARAMI sa mga Pilipino na
magkakaron ng permanenteng kapayapaan sa
Mindanao . Itama ako ng kahit na sino kung mali
ako.
Hindi
makatwirang pagdududa? MINASAKER at NNAKAWAN pa ang SAF 44 ng kanilang mga
armas at kagamitan. Mahigit 20 sa kanila, kahit buhay pa ay BINARIL PA SA ULO
PARA MASIGURONG HINDI NA MABUBUHAY. Derechahan nang inihayag ng MILF na hindi
nila isusuko ang mga killer. Namuhay ang international terrorist na si Marwan,
may bahay pa nga tulad ng nakita nating lahat, sa TERITORYO NILA na hindi naman
kasing-laki ng buong Mindanao o ng isang
siyudad para hindi nila malamang doon nagtatago ito. Saan mang anggulo tingnan,
hindi ito gawain ng isang MATINONG KAUSAP PARA SA KAPAYAPAAN. KAKAMPI LAMANG NG MILF, at ng TERORISMO, ang
magsasabi ng kabaligtaran. Galit? SANTO AT SANTA LAMANG, O NASISIRAAN NA NG
BAIT, ang hindi pa rin magagalit sa ganitong sitwasyon at mga gawain.
At
tulad ng dati, NANISI NA NAMAN at NAGYABANG si PNoy. Nagsimula daw an gulo sa Mindanao noong panahon ng diktadurya, na obviously ay
patama kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Idinagdag pa niya na :”Sayang nga po dahil walang
nakaisip na kung pang-aabuso sa batas ang naging ugat ng problema, makatwiran
at makatarungang batas ang dapat lumutas dito." Kumbaga, GOBYERNO NIYA LANG ANG NAKAISIP KAYA
SILA LANG ANG MAGALING. Pero WALA SIYANG IBINGAY NA ANUMANG DETALYE –PANGALAN
NG MGA NAGSIMULA NG GULO SA MINDANAO, PETSA, SAANG LUGAR NAGSIMULA, ETC, -- sa kaniyang
paninisi at pagyayabang.
Mga
pro-Marcos, pwde kayong sumagot. At uunahan ko na ang mga titira s aakin, HINDI
AKO EMPLEYADO ng mga Marcos. Maaaring
iverify ninuman saanman anumang oras. 30