Friday, January 23, 2015

KUNG HINDI SINUNGALING SI DINKY.....

These are excerpts from a story in abs-cbnnews.com on an interview with one of the  street families brought to a luxury resort in Nasugbu, Batangas during the 5-day visit of Pope Francis:

Speaking to radio dzMM on Saturday, Joy Tibigar said Department of Social Welfare and Development (DSWD) personnel told them they needed to be relocated. “Sabi po nila pinapalinis daw po ni Pope itong kalye (Roxas Blvd,) Ayaw daw po kaming makita -- yung mga yagit."

She also claimed that they were supposed to receive cash assistance, but until now, they have yet to receive money from the DSWD. She added not all were also given grocery items."Yung pinirmahan po namin na papel, may nakalagay po na 'pay cash.' Pero hindi po namin natanggap yun eh... Hindi po namin nabasa yung amount… Mas gugustuhin pa nga po namin sa lansangan kesa damputin nila kami.”

’m not saying that Tibigar is telling the truth. But think about these, people:

WALANG MAPAPALA si Tibigar para magsinungaling. Derechan na niyang sinabi na mas gugustuhin niya pang sa kalye na lamang sila ng kaniyang pamilya kesa sumamasa mga taga DSWD.  At kahit na street  dweller lamang siya at kulang sa pinagaralan, tiyak na abot pa rin ng isip niya na hindi biro ang banggain si Soliman, lalo pa at balitang balita ang pagiging SUPERLAKAS nito kay PNoy.

Kaya kung hindi NAGSISINUNGHALING si Dinky, pati na ang Malacanang,.  sa pagsasabing hindi nila itinago sa Santo Papa ang mga yagit: PAIMBESTIGAHAN AGAD ang mga sinabi ni Tibigar. KILALANN agad kung sino ang kumausap umano kay Tibigar at pagharapin ang mga ito, na may LIVE MEDIA COVERAGE, para MAGKAAALAMAN NA KUNG SINO ANG NAGSASABI NG TUTOO.

Tulad ng sinabi ko sa nauna kong blog, malinaw na ipinaalam agad ng Santo Papa na ang mga mahihirap ang gusto niyang makita at makasalmuha. Pero itinuloy pa rin ang pagdadala sa mga yagitr sa resort sa Batangas bago dumating si Pope Francis. Kaya’t ilabas ni Dinky agad ang LAHAT ng tinalakay sa ‘training’ kuno sa resort at PaTUNAYAN NIYANG KASING-HALAGA ITO ng pagdating ni Pope Francis KAYA’T DAPAT PA RING ITULOY NILA.

And Dinky, and Malacanang, had better have a SANE AND CONVINCING JUSTIFICATION as to why the supposed training was held in a place FAR, FAR AWAY from places where Pope Francis will be visiting , a place which everyone knew in advance the Pope WAS NOT SCHEDULED TO GO TO.

KUNG NAGSASABI NG TUTOO si Dinky at ang Malacanang, susunggaban nila ang pagkakataong ito para  malinis ang kanilang mga pangalan. Kung babale-walain naman nila ang mga sinabi ni Tibigar, HINDI NA KAILANGAN ANG HENYO  para makita kung sino ang SINUNGALING. 30


No comments:

Post a Comment